Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruru sa relasyon nila ni Bianca: Sa akin lang muna

0 98

May nilinaw si Ruru Madrid sa relationship status nila ni Bianca Umali.

Natanong kasi ang aktor sa “The Boobay and Tekla Show” kung sino ang pinakapinagseselosang celebrity ng aktres.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Wait lang po. May lilinawin lang po ako, ha. Wala naman po kaming inamin ni Bianca. Hindi naman po kami open sa relationship. Basta kung ano pong nakikita n’yo, iyon na lang talaga,” tugon ni Ruru.

Nang matanong naman kung “exclusive” ba sila ni Bianca, sey ni Madrid: “Siguro, masasabi ko yung relationship naming dalawa, isang bagay na espesyal sa akin. Hindi pa siguro napapanahon para i-share ko yun, but it doesn’t mean na hindi ako proud dun. Kumbaga, mas gusto ko lang, tini-treasure ko muna na sa akin lang muna.”

Wala mang kumpirmasyon ay nilalanggam naman sa tamis ang mga couple photo na pino-post nina Ruru at Bianca sa social media. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.