Una sa Balita

Paulo suplado, kinaiinisan ng mga taga-Nueva Ecija;

Ruru puno ng kalmot sa katawan

0 5,678

Finally ay binuksan na ang City Bloc Food Park ni Ruru Madrid sa Antipolo City. In full force ang Madrid family sa opening day na dinumog ng mga tao para tikman ang mga putahe at masilayan ang heartthrob at GMA Action Prince na si Ruru.

Kinagabihan ay namataan din namin doon asi Lito Camo na walang ipinagbago ang husay sa pag-awit at ugali. Nakisalamuha siya sa mga customer doon.

Kaya ‘wag kayong magulat na paminsan-minsan ay masisilayan ninyo sa Antipolo si Ruru.

Abante Hiring – IT dep

Anyway, dinumog din ng sandamakmak na tao si Ruru nang maimbitahan siya sa town fiesta ng Gapan, Nueva Ecija. Matapos ang halos tatlong oras na motorcade sa ilalim ng mainit na araw ay punong-puno ng kalmot si Ruru sa katawan mula sa mga nanggigil na mga fan.

Wala naman complain si Ruru at smile lang siya sa mga tao at sa mga nagpa-selfie sa kanya.

Nandun din si Kris Bernal pero wala akong balita kung katulad din ang naranasan ni Ruru.

After ng motorcade ay hindi sila pinaalis ng Mayor hangga’t hindi sila naghahapunan. Tuwang-tuwa si Mayor at ang kanyang ina kay Ruru na napakabait daw at laging nakangiti.

Hindi raw katulad ng experience nila kay Paulo Avelino na super sup­lado. Kaya si Ruru raw ulit ang kukunin nila next year.

Pangalawang beses na namin makarinig ng ganitong comment kay Paulo. Nagtataka lang kami kasi hindi naman ganyan ‘yan nu’ng nakakasalamuha namin. Baka pumunta sa ulo niya ang stardom, kung meron man.

Jennylyn, Tom trending ang drama

Worth it ang pag­hihintay ng mga manonood sa pinakabagong primetime series ng GMA na The Cure dahil para sa kanila, isang masterpiece na hindi mapapantayan ang nasabing serye na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez. Bukod sa nakakatindig balahibong mga ek­sena nito, nakuha rin ng Kapuso program ang kuwento nitong pangpamilya na talaga namang maaantig ka.

Mas bumilib lalo ang viewers sa dalawa nitong bida dahil kahit saan mo raw sila ilagay na role—mapa-action man o drama, they are going to slay it. Trending ang ginagawa nilang drama habang may kasamang aksyon.

Sa tumitinding mga eksena sa The Cure, paano nga kaya nagresulta sa isang outbreak ang simpleng kagustuhan lang ni Greg (Tom) na bigyang solusyon ang sakit ng kanyang ina?