Una sa Balita

Ruru natameme sa alindog ni Bianca

0 1,235
 
abante-i-know-better-jun-nardo

Nag-aapoy ang init na dala ni Bianca Umali sa picture niyang pinost sa Instagram na nakapu­ting two-piece bikini habang nasa dalampasigan. Nakatalikod man ang Kapuso artist, humanga ang ilang mga celebrity sa paglabas ng papuri sa ganda ng katawan ni Bianca.

 

Speechless si Ruru Madrid sa pic ni Bianca kaya emoticon lang ang post niya.

 

Napa-“HOY!!!!!” naman si Alessandra­ de Rossi. Tinugunan naman siya ni Bian­ca nang, “Mother, just like you.”

 

Ilan pa sa mga celeb na napanganga sa kaseksihan ni Bianca ay sina Gabby Eigenmann, Jerald Napoles, Ryza Mae Dizon, Taki at Barbie Forteza.

 

Walang komento sa thread ng mga comment si Miguel Tanfelix. Pero dahil magkapareha sila ni Bianca sa coming Kapuso series na Sahaya, kampante naman siyang kanyang-kanya lang ang alindog ng ka-loveteam kahit nakadamit ito sa ilan niyang underwater scenes, huh!

 

Sa totoo lang, isa si Bianca sa young actress na gifted sa pagkakaroon ng malaking boobs, huh! Bonus pa ‘yung magandang kurbada ng katawan, huh!
 
 

 Ronnie Ricketts na-trauma sa politika

 

 
Isasabak ni Ronnie Ricketts sa international market ang natapos na movie na Exit Point under his Rocket Media Productions. Siya ang producer, writer, director at fight instructor ng buong pelikulang hard action.
“Gusto ko ring tumulong sa ibang artista at may foreigners din kaming kasama sa cast,” saad ni Ronnie nang makausap ng press.

 

Bahagi rin ng movie ang isa sa anak niyang babae na si Rachelle Ricketts. Unang sabak nito sa movies at ayon kay Ron, nagustuhan niya kaya hindi muna ito pinapirma ng kontrata sa Viva.

 

Naging opisyal ng Optical Media Board si Ronnie pero hindi rin siya na­ging ligtas sa mga intriga kaya kuma­wala na siya.

 

“Part of being a government official naman ‘yon. Kahit saan ka naman magpunta, titirahin ka. That’s how it goes.

 

 

“Sabi nga nila, pag wala kang atraso hindi ka naman titirahin eh. It’s part of the process naman basta malinis ka at ginagawa mo ang trabaho mo,” rason niya.

 

Anong gagawin niya ‘pag may offer si President Duterte na bumalik sa gobyerno?

 

“Posisyon? Huwag na muna. Happy ako ngayon. Bumabawi ako sa pamilya ko at ngayon lang ako bumabalik sa showbiz. Time out muna!” deklara ni Ronnie.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy