Una sa Balita

Ruru nakakasakit ang kaharutan

0 516

Naiisip namin bakit ba panay ang sulat namin sa mga artistang tinulungan at inalagaan ­namin? Parang the end na ng buhay ko?

Pero hanggang kaya pa, sige lang. Sina Ruru Madrid at Jeric Gonzales ang latest naming inaalalayan sa kanilang buhay bilang mga artista. Si Ruru ay magaling na artista na may pagkaharot, mabiro, makulit at malikot.

Malikot in the sense na mabiro, mapanggigil sa kapwa na to the point nakakasakit na.

Magaling si Ruru sa mga role na ibinibigay sa kanya at minsan after ng take ay nire-review niya ang ginawa niya at ­minsan kapag hindi siya satisfied ay nagsasabi rin ‘yan sa director at kapag nakukulangan ay gusto niyang ulitin.

Unlike ‘yung iba na walang pakialam basta nakunan na at gusto matapos na para makauwi agad. Hindi sila seryoso sa craft nila.

Sa babae ay magalang ‘yan at super asikaso sa kanila. Kaya naaliw sa kanya ang mga co-actor niya. Sa ngayon ay abala si Ruru sa promo ng pelikula nila ni Jasmine Curtis Smith na CaraXJagger.

Si Jeric Gonzales ­naman ay isang tahimik at mabait na ­artista. Kung maharot si Ruru ay ­kabaligtaran ­naman si Jeric. Siguro mature na si Jeric dahil 27-years old na nga siya.

Noon ay laging naba-bash si Jeric dahil nag-umpisa siya na hindi mahusay sa acting gayung Protegee 2 winner siya. Hindi naman nawalan ng pag-asa si Jeric kahit lumamig ang career niya at matiyaga siyang naghintay ng 7-years na akala raw niya ay aabutin siya ng isang ­dekada na walang nangyayari sa career niya. Marami naman option si Jeric since he is a Nursing ­graduate at puwede siyang mangibang bansa. Pero nang naging close kami kay Jeric at unti-unti na siyang umangat at napakalaki ng improvement niya sa acting niya.

Dumaan siya sa Bova workshops na ­nakadagdag sa acting skills niya. Sabi ko nga 2019 ay taon ni Jeric na sabay-sabay dumating ang magagandang pangyayari sa showbiz career niya.

Mabait si Jeric sa set ng Magkaagaw. Parang isang pamilya raw sila. Kung may mga ­pagkain siya sa taping ay isini-share niya sa mga ­co-actor niya. Walang reklamo ‘yan kahit madalas ­inuumaga sa taping.

Regine, Sharon pinasabog ang Araneta

Punong-puno ang Araneta Coliseum nitoong Biyernes at Sabado nang gabi sa concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez na Iconic. At ang ganda ng concert, dahil mga magaganda at hit song nina Sharon at Regine ang ­inawit nila.

Kaya naman walang tigil ang pagpa­lakpak ng mga tao.

At gaya ng dati maraming mga ­celebrity rin ang dumalo gaya nina Anne Curtis, Vice Ganda, at mga asawa nila. Nandu’n din si Robin Padilla para ­magbigay suporta sa mga naging leading lady niya.

Nagpahiwatig na rin si ­Sharon na matutuloy na ang pelikula nila ni Gabby ­Concepcion na matagal na ngang inaabangan ng mga fan nila.

Sa buong show ay full of energy ang dalawa kahit sobra ang sipon ni Sharon. Maganda ang blending ng boses nila at sa encore ay inawit nila ang ‘Ikaw’.

Akala ng lahat ay ­tapos na at ­nagsisitayuan na. Pero bumirit pa ang dalawa ng ilang fast song na sinabayan ng ­pagsasayaw ng ibang nasa loob ng dome. Siguro mga apat na fast or disco songs ang kinanta ng dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy