Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruru naghamon ng suntukan

0 979

Pinagpiyestahan ng mga basher ang medyo daring na picture ni Bianca Umali, kung saan makikitang tila fresh from the bath lang ito, na nakasuot ng bathrobe, basa ang buhok at stand out ang pulang labi.

Ang sana ay appreciation para sa ine-endorse niyang lipstick ay nauwi sa pagbuhos ng maraming panghuhusga mula sa mga netizen na kesyo nilaspag daw ni Ruru Madrid (na boyfriend ni Bianca) o tumanda ang hitsura ng aktres.

Siyempre, hindi pinalampas ni Ruru ang mga pambabastos sa kanyang girlfriend.

“Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag ddown sa atin. Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan nalang natin ang isa’t isa,” sabi ng aktor, na nakikipagsagutan, nakipagmurahan, at naghamon ng suntukan sa ibang troll para kay Bianca. (Athena Yap)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.