Una sa Balita

Ruru Madrid nagpaiyak ng fans sa Sinulog Festival

By
0 5,395

Halos 4 million na turista ang pumunta sa Cebu City noong Linggo para makisaya sa annual Sinulog Festival kung saan laging pinaghahandaan ito ng pamunuan ng Cebu City. Natutuwa sila na kahit pumatak ng kaunti ang ulan ay hindi natinag ang mga taong nakisaya sa taunang pagdiriwang.

Ikatlong taon na ng Wheeltek na isang motorcycle distributor ang pagsali sa nasabing festival at ngayon lang daw nila naranasan ang sobrang init na pagtanggap ng mga tao sa kanilang float. Lulan ng float sa taong ito ang Kapuso heartthrob na si Ruru Madrid na nagkataon nasa sa Cebu para sa promo ng upcoming teleserye na Sherlock Jr. na magsisimula nang umere sa January 29.

Si Ruru ay proven na pagdating sa pagpapasaya sa fans niya at hindi nagsisi ang pamunuan ng Wheeltek nang imbitahan ito sa taunang festival sa Cebu. Walang tulog the night before pero ipinamalas ni Ruru ang mainit niyang pakikipagsalamuha sa mga taong nagtiyaga na manood ng parada ng Sinulog. May fans si Ruru na naiyak sa tuwa at hindi makapaniwala na nakasama nila ang idolo nila nu’ng oras na ‘yon.

Sabi ng may-ari ng Wheeltek na si Roscoe Odulio na ngayon lang nila naranasan dumugin ng mga tao ang float nila. Kaya sigurado kami na madalas nang makikita si Ruru sa mga malalAking event ng Wheeltek.

Bianca-Miguel ‘di nagpatalo sa husay nina Jean, Carmina

Bago at kakaiba sa panlasa ng manonood ang istorya ng Kambal, Karibal kaya naman it cannot be denied na isa ito sa mga pinakainaabangang serye gabi-gabi. Hindi raw ito predictable kaya naman nagugulat sila sa twists na nagaganap dito. Marami rin ang humahanga sa husay ng mga batang artista kasama rito na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza. Nakaya kasi ng mga ito na makipagsabayan sa husay nina Jean Garcia, Carmina Villaroel at Marvin Agustin.

Sa serye, inaabangan ngayon kung malalaman na ba ni Crisan (Bianca Umali) na si Crisel (Pauline Mendoza) ang espirito na nasa loob ni Cheska (Kyline Alcantara) ngayong patuloy ang pagdududa nito kung bakit bumait bigla sa kanya ang dalaga.