Una sa Balita

Ruru binatikos sa ‘panghahamak’ kay Jeric

0 385

Naging isyu ang pagbibiro ni Ruru Madrid regarding sa real winner daw ng 2012 “Protégé” 2 na alam naman ng lahat na ang alaga namin na si Jeric Gonzales ang true winner at nanalo ito ng fair and square.

Narinig din namin ‘yang binitiwang pananalita ni Ruru noon sa presscon ng “Cara X Jagger” na pinagbibidahan nila ni Jasmine Curtis-Smith. Pero dinedma lang namin na alam naman namin na biro lang ‘yun sa kakulitan ni Ruru.

Hindi naman naapektuhan ang alaga naming si Jeric dahil kilala niya si Ruru na maharot at laging palabiro. Kaya lang, nakatikim si Ruru ng pamba-bash mula sa mga fan at maski sa mga ilang kasamahan sa panulat ay nagulat din sa sinabi nito at dito na siya nagawan ng mga isyu.

Ang importante, hindi na-offend ang soft spoken na si Jeric na abalang-abala sa taping at mga promo ng “Magkaagaw”.

Samantala, hindi mapagsidlan ng tuwa at excitement si Jeric sa nalalapit na pag-ere ng teleserye nila ni Klea Pineda dahil sa mga mabibigat na eksenang ginawa niya rito. Napakaganda raw nito na wish niya na maging hudyat na sa pag-akyat sa tagumpay bilang isang full pledge actor.

Kung noon ay laging binabatikos siya sa mga acting niya ay malaking pagbabago na ngayon. Sa “Sex Slave sa Saudi” ng “Magpakailanman” ay pinalakpakan siya sa napakahusay niyang pagganap at ito ang naging daan para mapasama siya sa nominado sa 2019 PMPC 33rd Star Awards For TV sa Oct. 13 sa Ateneo de Manila.

Bianca-Miguel serye lalaban sa Cambodia

Congratulations sa “Sahaya” dahil wagi ito sa Professional Fiction 13-17 years old category of SineBata Festival. Pinarangalan ito dahil sa natatangi nitong kuwento tungkol sa mga Badjaw at ang kanilang kultura.

Pinagbidahan ito nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer. Dahil sa panalong ito, magsisilbing official entry ng bansa ang “Sahaya” sa 3rd Southeast Asia Video Fest na gaganapin sa Cambodia sa darating na Nobyembre 27 hanggang 30. Congratulations sa lahat ng bumubuo ng “Sahaya”!

Jillian namalengke nang naka-takong

Dalagang-dalaga na si Jillian Ward. Tuwang-tuwa ang mga follower niya sa ipinost niyang video sa Instagram, dahil ipinakita kasi niya ang kanyang bonggang outfit at 5-inch heels at pabirong sinabing ito ang susuotin niya papunta sa palengke!

Umabot agad sa 75,000 likes ang post na ito ilang minuto pa lang ang nakalilipas, at karamihan sa comment ay pinuri ang ganda ng isa sa mga bida ng “Prima Donnas”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy