Una sa Balita

Ruru amoy maginoo pero bastos

0 977

abante-talbog-joe-barramedaIsang brand ng paba­ngo ang latest na nagtiwala kay Ruru Madrid pagdating sa endorsement. Dahil sa kakisigan at lakas ng hatak sa mga netizen ay kinuha ng Ardeur World Marketing Corporation si Ruru bilang celebrity endor­ser ng pabango nila.

Nagustuhan naman ng Kapuso hunk ang scent ng pabango nila kaya hindi sila nahirapan kumbisihin ito. Kaya agad nilang pinapirma si Ruru to promote Ardeur sa mga social media account nito.

Bibigyan nga siya ng chance na gumawa ng sariling pabango niya o scent. At ang gusto nga niya ay parang katulad ng karakter niya sa tunay na buhay, na maginoo, pero medyo bastos. Hahahaha!

Naganap ang contract signing nito kasama ang buong management ng Ardeur at GMA Ar­tist Center Bosses.

Alden kinatatakutan ng kalaban

Naku ano ba ‘yan, nakarating sa amin ang balita na maraming signal interruption sa cable TV the past two days.

At timing pa raw sa pag-ere ng Victor Magtanggol. Mukhang nababahala ang iba sa malakas na response ng mga netizen sa bagong fantaserye ni Alden Ri­chards na namayagpag din sa Twitterworld.

Kung totoo man ito ay ‘wag naman. Ano pa ba ang gusto nilang patunayan??? Kaloka, ‘di ba? Kinatatakutan ka ng kalaban, aminin man nila ‘yan o hindi.

Hindi ka na talaga maabot Pambansang Bae pero abot na abot ka pa ng marami at ramdam nila ang kabutihan mo kahit nasa rurok ka ng tagumpay. Kaya naman bumubuhos ang biyaya sa isang taga-Laguna. Talbog!

Pacquiao naghahanap ng ­mauupahang bahay

May nakita kaming video sa IG kung saan binibisita ng buong Pacquiao fa­mily ang isang mansion sa isang exclusive subdivision. Mukhang bumibili ng bagong mansiyon after ng successful fight sa Malaysia.

Nang makatsika namin si Jinkee Pacquiao ay mali ang hinala namin. Naghahanap pala sila ng marerentahan pansamantala dahil ipapa-renovate ang mansion nila sa Forbes at kailangan nang gawin.

After noon ay nag-bonding ang pamilya at nakita namin ang post na nag-eenjoy sila habang naglalaro ng mga games sa isang lugar sa Greenbelt area noong Linggo.

Jean, Gelli, Valerie may banta sa kalalakihan 

Nag-ingay sa social media ang upco­ming serye ng GMA na Ika-5 Utos dahil na­ging usapin agad kung ito ba ay prequel ng ­top-rating Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos.

Sa inilabas na teaser ng Kapuso Network, konting detalye lang ang pinakita nito at ang cast lang na sina Jean Garcia, Tonton Gutierrez, Antonio Aquitania, Valerie Concepcion, Gelli de Belen, Jake Vargas, Inah De Belen, Jeric Gonzales, at Migo Adecer ang ipinakita.

Kung tututukang maigi, karamihan ng babaeng cast ay may hawak na kutsilyo ­samantalang karamihan sa mga lalaki ay posas naman ang hawak. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga ito?

Puro mamamatay tao ang mga babae rito? May banta ba ang kababaihan na ito sa ­kalalakihan? Abangan!!!