Una sa Balita

Runner Zabala umarya, nasagip ang ‘Pinas sa bokyang kampanya

By
0 297

Niligtas ni Jerald Zabala sa pagkabokya sa medalya ang anim-kataong delegasyon ng bansa na kumarera sa kakahagibis lang na Allianz Ayudha World Run Thailand Series 2018 sa Suan Pueng, Ratchaburi, Thailand.

Dinaklot ng 30-taong-gulang, tubong-Cagayan de Oro at isang butcher na si Zabala ang men’s division 10-kilometer 30-39 age group gold medal sa posteng 35 minuto at 49 segundo, ungos sa nag-silver-bronze na sina Thais ­Anurak Jangsomya na may 40:53 at Atthapol Thamthaweechok na naka-47:05.

Laglag-balikat na nagbalikan naman sa bansa ang mga kasamahan ni Zabala na hindi naka-podium na sina Ryan ­Caaya, Rommel Hingpit, Gae Martinez, Rei Abrazaldo at Romina Austria.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy