Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 467

Ika-9 na labas

Samantala. Si Lito ay nasa piling ng mga tao na pinagkakatiwalaan niya bukod pa sa Lolo Roberto niya. Ang kanyang mga magulang na ngayon ay magkatabi nang nakahimlay sa isang mausoleum.

“Mom, dad, lolo wants me to marry her, b-but I guess it’s not fair…it’s unfair to her…money is just a money…paano kung one day ay dumating ang true love niya and I was there, blocking her way dahil nagpakasal siya sa’kin?…but y-yeah she’s pretty, kind and I think she’s also fun to be with…pero sapat na ba ‘yon? I also want to marry the girl I love…dad, mom, sana nandito kayo para maintindihan ko si lolo…at maintindihan niya rin ako…”

Matapos ang confession sa mga magulang ay humugot ng malalim na buntong hininga si Lito.

“I feel so lonely…s-siguro kailangan ko na siyang puntahan para humingi ng sorry and I hope na mapatawad niya ako…”

Mula sa likuran ay narinig niya ang isang pamilyar na boses.

“Hindi mo na ako kailangang puntahan…nandito na’ko kaya ready na akong marinig ang sasabihin mo…” si Emilia.
“E-Emilia!”

“Tama ang lolo mo, wala kang ibang pupuntahan kundi dito sa parents mo.”

“Kasama ba sa deal nyo ni lolo na sundan ako dito?”

“Deal namin o natin? Diba nandoon ka rin nung magpirmahan kami ng lolo mo? Saka akala ko ba gusto mo ng humingi ng sorry dahil you feel lonely?”

“Tama naman ang narinig mo, gusto ko na ngang humingi ng sorry pero hindi sa’yo, kundi sa lolo ko…”

Nakaramdam ng pagkapahiya si Emilia.

“Ah sa lolo mo ba?…so ibig sabihin sa akin wala kang balak humingi ng sorry?”
“I know I have to…”

“Lito, ano ba talaga ang pumasok sa isip mo, bakit ka ba nag runaway?”

Tumalikod si Lito at humarap sa puntod ng mga magulang.

“Emilia, kung pera ang kailangan mo, matutulungan din naman kita eh…hindi mo na kailangang itali ang sarili mo sa lalaking hindi mo mahal…”

Nagbuntong hininga si Emilia at humakbang pa palapit sa binata.

“Hindi lang naman pera ang pinag-uusapan rito eh, oo, aaminin ko, matindi ang pangangailangan ng pamilya ko sa pera kaya nakipagkasundo ako sa lolo mo. Pero yung kasunduan na ‘yon hindi lang yon basta pirmahan lang, may obligasyon ako. Oo nung una mukhang mahirap, pero nung medyo nakikilala na kita naisip ko hindi ka naman pala mahirap pakisamahan kaya yung kasunduan para sa’kin, isa na lang ‘yon pormalidad para sa pagsisimula ng isang pagkakaibigan sa pagitan nating dalawa.”
Natigilan si Lito. Humarap ito sa dalaga.

“Anong ibig mong sabihin? Na gusto mo ako talagang maging kaibigan?…”

Isang saglit ang pinalipas ni Emilia bago sumagot.

“Parang gano’n na nga…kahit iniwan mo ako sa altar, kahit tinapakan mo ang laylayan ng gown ko para maunahan mo ko sa pagtakbo…feeling ko gusto pa rin kitang maging kaibigan…”

“T-talaga?”

Hinawakan ni Emilia si Lito sa magkabilang balikat nito.

“Tumingin ka sa mga mata ko Lito…at saka mo sabihin sa akin kung anong nakikita mo…”

Naiilang na tumingin nga si Lito sa mga mata ni Emilia na nakatitig sa kanya.

“Anong nakikita mo Lito?”

Related Posts

“M-may nakikita nga ako…”

“Sige sabihin mo sa’kin kung ano…”

“M-may…”

“Ano?”

“M-may muta ka…”

Inis na binitawan ni Emilia ang balikat ng binata at tila napapahiyang pinahid ng kamay ang muta sa mga mata.

“O ayan, wala na, bukod sa muta wala ka bang ibang nakita sa mga mata ko?”

“Meron…nakita ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitawan mo…”

Na-touch si Emilia sa sinabi ni Lito.

“Talaga ba?”

Tumango ang binata.

“Kung ganon, okay lang naman siguro sa’yo kung magiging magkakaibigan na tayo pagkatapos ng pinagdaanan natin?” sabay abot ni Emilia ng kamay niya dito.

Pero hindi tinugunan ni Lito ang pakikipagkamay niya.

“Emilia, sa ilang beses nating paglabas, kahit papa’no nakilala na kita…nakita ko ang kabutihan ng loob mo. Kaya hangga’t maaga sana i-save mo ang sarili mo…dahil hindi ako karapat-dapat na maging kaibigan ng isang tulad mo…”
Napakunot noo si Emilia.

“Ganyan ba kababa ang tingin mo sa sarili mo?”

Iba ang isinagot ni Lito sa tanong ni Emilia.

“Basta. Mas mabuti kung lalayuan mo na lang ako…”

“Kaya ka siguro walang kaibigan, kasi ayaw mong magpapasok ng kahit sino sa buhay mo.”

Walang tugon mula sa binata.

“Lito, lahat ng tao kailangan ng isang kaibigan.”

“Pasensya ka na Emilia, pero hindi ko kailangan…” pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni Lito ang dalaga at lumakad na patungo sa kotse niya kung saan naghihintay ang isang bodyguard.

Naiiling si Emilia. Hindi niya alam kung kaiinisan o kaaawaan niya ang lalaki. Ang akala niya kasi nung una ay okay na sila at magiging madali lang itong pakisamahan para sa kanya. Pero nagkamali siya. Hindi pala.

Pagkauwi sa bahay ay nanlulumong naupo si Emilia sa silya. Nilapitan siya ng ina.
“O ano anak, nagkita ba kayo ni Lito, nagkausap ba kayo?”
Tumango ang dalaga.

“O, e anong napag-usapan nyo, mukhang hindi maganda ah?”
“Parang ganon na nga po ‘nay…”

Naupo si Aling Milagrosa sa tabi ng anak.

“Bakit?” tanong nito.

“Akala ko kasi okay na kami eh…hindi ko alam na mailap pala talaga siya sa tao tulad ng sinabi sa’kin dati ni Don Roberto. Kaya sa tingin ko mahihirapan ako na paamuin siya.”

“Hay, ano ka ba naman anak, ako sa tingin ko kayang-kaya mo ‘yan, ikaw pa? ang lakas kaya ng karisma mo, diba nga ang daming nanliligaw sa’yo diyan sa kanto?” nakatawang sabi ni Aling Milagrosa. (Itutuloy)