Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 467

(Ika-pitong labas)

Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay.

Nakaharap sa salamin si Emilia suot ang gown niya nang lapitan siya ni Aling Milagrosa.
“Anak, kinakabahan ka ba?”

“M-medyo po…”

“Ganyang-ganyan ang pakiramdam ko nung ikakasal pa lang kami ng tatay mo.”

“Nay, hindi po tayo pareho ng nararamdaman, ang kaba nyo ay dahil sa makikipag-isang dibdib kayo sa lalaking mahal nyo, pero ang kaba ko…ay dahil sa makikipag-isang dibdib ako sa lalaking hindi ko naman mahal…”

Napawi ang mga ngiti sa labi ni Aling Milagrosa.

“Anak, may pagkakataon ka pang umatras kung gusto mo…”

“Hindi naman po ‘yon ang ibig kong sabihin. Kung meron mang kauna-unahang malulungkot kapag hindi natuloy ang kasal na’to, ako ‘yon…kasi alam kong maglalahong lahat ng parang bula ang pag-asa nating mabawi itong bahay at makaahon sa hirap.”

“O sige, kung talagang gusto mo ang kasalang ito ano pang hinihintay natin? Gorabels na tayo?” tila nabuhayan ng loob na sabi ni Aling Milagrosa.

“Tara lets na nay!” tugon naman ng dalaga.

Simbahan.

Ang simpleng kaba ni Emilia kanina ay nadagdagan ng patong patong na kaba nang hindi pa dumarating si Lito.

“Oh God, mukhang nagbago ang isip niya…” sa isip ng dalaga na nanatili muna sa loob ng kotse hangga’t wala pa ang kanyang groom.

Panay na rin ang tingin sa pambisig niyang orasan si Don Roberto na may alalay na personal nurse sa sandaling ‘yon.

“Bakit wala pa si Lito? Kanina pa siya sinundo ng mga bodyguards niya ah?” tanong nito sa sarili.

Kabado na rin ang buong pamilya Tolentino.

Sa angkan naman ng mga Timola ay piling pili lang ang inimbitahan. At tulad ng pamilya Tolentino ay nag-uumpisa na rin silang kabahan.

“Roberto, tinawagan mo na ba si Lito?” tanong ng pinsan ni Don Roberto na si Don Julio.

Related Posts

“Yes, but his phone is off.”

“Oh no, this is not good.” Napapailing na sabi ni Don Julio.

“Ni minsan ay hindi pa ako sinuway ng apo ko kaya alam kong darating siya.”

“Sinuway?”

“A-Ang ibig kong sabihin ay alam niya na botong-boto ako sa bride niya kaya siguradong hindi niya hahayaan na hindi matuloy ang kasal na’to… Isa pa, alam kong nagmamahalan sila.”

Napatango na lang si Don Julio.

Hindi naman nga nabigo si Don Roberto nang makitang paparating na ang kotse ni Lito.

Sa wakas ay nakahinga rin ng maluwag si Emilia. Agad namang nilapitan ni Don Roberto ang apo.

“Bat ngayon ko lang?” pabulong na tanong ng matanda sa apo.

“S-sorry po lo…n-nasiraan po ang car…”

“Really? I thought you change your mind.”

Hindi na kumibo si Lito.

Habang naglalakad patungo sa altar ay parang may nagda-drum sa dibdib ni Emilia. Hindi niya masabayan ang bilis ng pintig ng puso niya dahil sa hindi maipaliwanag na kaba.

“Chill ka lang Emilia…this is it…hindi man siya ang lalaking pinapangarap mo, at least ito na yung pinapangarap mong kaginhawahan…yung sasagip sa buhay ng pamilya mo mula sa kumunoy ng kahirapan…kaya smile ka lang dyan, relax, be beautiful…”

All smile nga si Emilia hanggang sa makadaupang palad niya ang kanyang groom at maiharap siya nito sa dambana.

“Lito, okay ka lang ba?”pabulong na tanong niya nang may pag-aalala nang mapansin ang panginginig ng kamay ng binata.

“O-oo…”

“Sigurado ka?”

Tango na lang ang itinugon ng binata.

Nagsimula na ang pari sa pagbigkas ng mga salita para sa kasalang iyon. (Itutuloy)