Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 467

Wakas

Walang sabi-sabing binuhat ni Lito ang dalaga sabay sigaw na.
“Mauna na po kami, masakit ang tiyan niya!”
Nagkatinginan ang mag-asawang Milagrosa at Caloy.

“M-manganganak na ba siya?” nagtatakang tanong ni Mang Caloy.
“Ungas, hindi pa naman buntis ang anak mo, virgin pa ‘yon!”
Nag-alala ang mga nandoon subalit napa­kalma rin sila ng pamilya Tolentino.
Gabi.

Habang magkatabi sa kama ay nakayakap si Emilia kay Lito.
“Salamat kasi sa halip na sa ospital e sa reception mo ko dinala kanina.”
“Alam ko naman na gutom lang ang dahilan ng pagsakit ng tiyan mo eh, o ano nagustuhan mo ba?”
Tumango ang dalaga.

“Bawat parte, bawat detalye ng kasal natin nagustuhan ko lalo na ‘yung mga pagkain na napili natin at kahit pa ‘yung pag-run away natin kanina.”

Related Posts

“T-Talaga? E, itong gagawin ko siguradong magugustuhan mo rin…” sabay halik ni Lito sa balikat ng asawa.
“Wait lang…”
“Bakit?”

“Kasi gusto ko maging special ang honeymoon natin.”
“Paanong special? ‘Yun bang maraming petals sa paligid tapos may scented candles?”
“No…”
“E ano?”

“Gusto ko sa special place like La Merienda Gardenia!”
“La Meridiana Garlenda!” pagkokorek ni Lito.
“Ganu’n na rin ‘yon, magkatunog naman eh.”

“I-Ibig mong sabihin bibiyahe pa tayo do’n bago tayo makapag-honeymoon?”
“Why not ‘di ba? Gusto ko kasing ituloy natin ang naudlot nating love making doon remember?”

“Yes, our first kiss.”
“So, ano payag ka na?”

“Oo magho-honeymoon tayo do’n but please, I want to do it now…”
Nagkulitan muna ang dalawa bago napapayag ni Lito si Emilia na gawin na ang bagay na matagal na nilang gustong gawin pareho.

Kaya naman ang kuwartong iyon ay napuno ng mga petals ng pag-ibig at umalingasaw ang halimuyak ng pagmamahalang wagas. (Wakas)