Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 466

Ika-26 na labas

“Lyka, napagdaanan ko na ‘yan…dati gusto akong ipakasal ni lolo sa babaeng hindi ko gusto at ni hindi ko kilala… but somehow I learned to love her kaya nga magpapakasal na rin kami after naming magbabang luksa kay lolo.”

“You mean, si Emilia?”
“Yeah. If I we’re you, show your lolo na you can stand on your own feet and you are the one who responsible to your own happiness… at wala rin ‘yung ipinagkaiba kung ako ang pakakasalan mo dahil hindi mo rin naman ako mahal…”

“Pero hindi ka kasi mahirap mahalin… sa konting panahon na nag-stay ka sa’min, I see your kindness. I see the real man in you…”
“But it’s not love that you’ve seen.”
“Yeah, I know.”

Hinawakan ni Lito ang chin ng dalaga at itinaas iyon ng bahagya.
“Cheer up lady, find your true love. And I’m sure that it’s not me.”
Lingid kay Lito ay nasa ‘di kalayuang table lang si Olivia kasama ang isang malapit na kaibigan. Nakatingin ito sa kanila na tila sinusubaybayan ang bawat galaw nila. Palihim din sila nitong kinunan ng picture. Saka isinend kay Emilia.
Mula sa pagkakahiga ay napabalikwas ng bangon si Emilia nang matanggap ang isinend na picture ni Olivia. Pinakatitigan niya iyon. Agad niyang binigyan ng ibang kulay ang pagkakahawak ni Lito sa chin ni Lyka.

“Grabe sila, ang sweet ha!” inis na inis na sabi ng dalaga.
Dahil doon ay nahirapan siyang makatulog.
Kaya naman kinabukasan pagpasok sa opisina ay tahimik lang at walang kibo ang dalaga. Sige lang sa pagtatrabaho. Napansin iyon ni Lito.
“E-Emilia, may problema ka ba?”
Umiling ang dalaga.

Related Posts

Pero hindi kumbinsido si Lito.
“Emilia, kung masama ang pakiramdam mo, go home please, ipahahatid kita kay manong.”
“Hindi masama ang pakiramdam ko.”
Hindi na umimik ang binata, nagpatuloy na rin ito sa trabaho.
Pero hanggang sa breaktime ay wala pa ring kibo ang dalaga.
“Hindi ka ba magla-lunch?”
Umiling ito.

“Ikaw ang nagturo sa akin na makihalubilo at kumain pa sa canteen, p-pero ngayon hahayaan mo akong mag-isa?”
Hindi na nakatiis ang dalaga, tumayo ito at hinarap ang binata.
“Akala ko kasi busog ka pa, ang sarap ng dinner n’yo kagabi ‘di ba at ang sweet sweet n’yo pa, bakit mo hinahawakan ang chin niya may nakita ka bang dumi sa pagkain niya?”
Nagulat si Lito.

“H-how did you know that?”
“Importante pa ba ‘yon, ngayon sabihin mo sa’kin mahal mo pa ba’ko kasi kung hindi na ipapaubaya na lang kita sa kanya!” ang puno ng selos na nasabi ng dalaga.
Natawa si Lito.
“Calm down please, m-mag-eexplain ako.”
Naupo ang dalaga at humalukipkip.

“Sige magpaliwanag ka, pero siguraduhin mo lang na maliliwanagan ako, dahil kung hindi magdidilim talaga ang relasyon nating dalawa.”
“I never thought you’re a jealous woman. But anyway, pinagbigyan ko lang naman si Lyka na mailahad niya sa’kin yung business deal na sinasabi niya. P-pero hindi ko alam na something personal pala ang deal na gusto niya. Her lolo wants her to marry someone na hindi niya gusto, just like me before, kaya gusto niyang makipag-deal sa’kin, mag-i-invest daw siya sa business which is triple of the major stock pakasalan ko lang siya.”
“Ano? Bakit ikaw?”

“D-dahil mabait raw ako at hindi raw makakatanggi ang lolo niya because of my lolo.”
“Anong sinabi mo?”
“Of course the truth, about us.”
“Talaga?”
“Really. Saka hindi naman niya ako mahal eh, she just wanted to use me.”
“E bakit may pahawak-hawak ka pa sa baba niya?”
“I hold her chin to cheer her up and I told her to find her true love. That’s all.”
Hindi na kumibo si Emilia pero nawala na ang simangot sa mukha nito.
“So, nalinawan ka na ba?”

“O-oo… sorry ha, kung pinagdudahan kita…”
“It’s okay, At least I know na mahal mo nga talaga ako.”
“Bakit hindi ka pa ba kumbinsido?”
“H-hindi naman sa gano’n, I just prove it now.”
Pagkasabi niyon ay niyakap ni Lito si Emilia at hinagkan sa noo.
Isang kakaibang wedding ang naisipan nila matapos makapagbabang luksa. Isang wedding na naisipan nilang idaos sa harap mismo ng museleo ni Don Roberto kung saan naroon din ang puntod ng mga magulang.
“Do you, Lito, take this woman, Emilia to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?”
Kinabahan si Emilia sa muli ay hindi agad pagsagot ni Lito, nakatitig ito sa kanya.
“Lito…” bulong niya.

“Yes, father, I do.”
Sa wakas ay nakahinga ng maluwag ang dalaga.
“Do you, Emilia, take this man, Lito to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and health, to love, honor and obey, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto him for as long as you both shall live?”
“I…”
Si Lito naman ang kinabahan.”
“I…”
Pati ang mga saksi sa kasalang iyon kabilang ang pamilya ni Emilia, mga piling relatives ni Lito at mga kasamahan nila sa trabaho ay kinabahan.
“I… do.”

Halos sabay-sabay na nakahinga ang lahat. Matapos maisuot ang singsing at maiproklama ng pari ang pagiging husband and wife nila ay…
“Bakit ang tagal mong sumagot?” bulong ni Lito kay Emilia.
“E kasi, biglang sumakit ang tiyan ko…” pabulong din na sagot ng dalaga.
“Ano bang kinain mo kanina?”
“H-hindi nga ako nakakain sa sobrang excited ko eh…”
“Kaya pala, malamang gutom ka na.”
Biglang tumunog ang tiyan ng dalaga.
“Emilia, kaya mo pa ba?”
“Pwede ba magrun-away na tayo, takasan na natin ‘to.” (Itutuloy)