Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 436

(Ika-23 na labas)

“Anong masasabi mo?”“Anong masasabi mo?”“Ang masasabi ko lang, ang swabe, kasing swabe ng pagkatao mo…” muntik nang maibuga ni Emilia ang iniinom nang madulas ang bibig niya sa nilalaman ng puso niya.Natigilan si Lito.“Y-yan ba ang tingin mo sa’kin?”Tinitigan ni Emilia ang mukha ng binata.

“Ano ba ang tingin mo sa sarili mo?”Napayuko si Lito.“Hindi ko kilala ang sarili ko…madalas hindi  ko kilala ang sarili ko…”Nalungkot si Emilia sa sinabi ng binata.“Sir, isa kang mabuting tao. Isang tao na hindi mahirap mahalin…”“P-paano mo nasasabi ‘yan?”“Dahil…dahil…d-dahil…” hindi na natapos ni Emilia ang sasabihin nang bigla na itong lumungayngay sa balikat ni Lito dala ng labis na kalasingan.Binuhat ni Lito ang dalaga patungo sa kuwarto nito. Maingat niya itong inilapag sa kama.

Paalis na siya nang hilahin nito ang neck tie niya.“E-Emilia, anong ginagawa mo?”“Sir…p-pwede ba dito ka lang muna…”“Hindi mo na kaya, magpahinga ka na lang…”“Hindi ko na talaga kaya sir…” halos pabulong na sabi ng dalaga na hindi binibitawan ang neck tie ng binata.Dahil hawak ni Emilia ang neck tie niya kaya halos magkalapit na lang ang mukha nila. Langhap na langhap niya ang amoy ng alak sa hininga nito.“Emilia…let me go…”“N-no…”Binitawan ni Emilia ang neck tie ni Lito subalit sabay kabig naman niya dito palapit pa lalo sa kanya.Hindi na napigilan ni Lito ang sarili.

Puno ng kabang inilapat niya ang labi sa mga labi ng dalaga.Ramdam iyon ni Emilia sa kabila ng kala­singan. At hindi niya iyon tinutulan. Sa halip ay kanya pa iyong tinugunan.Isang maalab na halik ang namagitan sa mga pusong sabik na magmahal. Mga pusong umaasa sa mga pangakong dala ng umuusbong na pag-ibig. Subalit matapos ang isang minutong pagniniig ng mga labi ay tila natauhang kumalas si Lito.

Bumitaw na rin si Emilia at namasdan niya ang mukha nito na nakapikit na ang mga mata.“No Emilia…h-hindi ko dapat sinasamantala ang mga pagkakataon na mahina ka…”Hindi na iyon narinig nang dalaga dahil tuluyan na itong nakatulog.Kinabukasan.Unti-unting iminulat ni Emilia ang mga mata niya. Tumingin siya sa katabing orasan at napabalikwas siya.

Related Posts

“10am na?”Natigilan siya nang maalala ang masayang gabi nila sa bar ni Lito. At naalala rin niya ang pagdampi ng labi nito sa labi niya. Unti-unti niyang hinaplos ang sariling labi. Tila hindi makapaniwala.“H-hinalikan niya ko….at…h-hinalikan ko rin siya…” bulong niya sa sarili.Tsinek ni Emilia ang katawan.

“May damit ako at wala namang sumasakit sa katawan ko, w-wala ring dugo! Ibig sabihin virgin pa rin ako! Thank you Lord!”natataranta sa sariling usal ng dalaga.Naisip niya napakabuti ni Lito dahil hindi nito nagawang pagsamantalahan ang pagkalasing niya. Kaya naman naisip niya na ioorder niya ng special breakfast ang binata.

Gusto niya itong sorpresahin.Subalit hindi niya inaasahan na siya pala ang masosorpresa paglabas niya ng kuwarto.“O, ba’t nandito kayo?” nagtatakang tanong niya sa mga kasama na tila naghihintay talaga sa paglabas niya ng room.“Si Sir Lito kasi, umalis na siya kanina pang umaga.” Anang isang bodyguard.“Umalis? Saan daw siya pupunta?”“Hindi sinabi, isinama niya si manong at ang sabi sabay-sabay na raw tayong umuwi sa Pinas, bahala na raw kami sa’yo at ingatan ka raw namin.

” Sagot naman ng isa sa mga staff.Nakaramdam ng lungkot si Emilia.“G-ganon ba…sige gumayak na kayo.” Pagkasabi niyon ay pumasok ulit siya sa room at sandaling nagmoment sa likod ng pintuan.“Ang hirap niyang ispelengin, kagabi lang okay na okay na kami…ba’t ganun siya?…”Napahugot ng malalim na paghinga si Emilia. Naninikip kasi ang dibdib niya sa nararamdaman.

Sa bilis lumipas ng panahon ay isang buwan na agad mula nang dumating sina Emilia mula sa seminar sa Italy. At isang buwan na ring hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang si Lito. Kaya naman tamlay-tamlayan lang ang peg ni Emilia.“Hoy Emilia, hanggang kelan ka ba magmumukmok?” nag-aalalang tanong ni Aling Milagrosa na pinansin ang walang patid na paghalo ng dalaga sa kape.

“Hindi naman po ako nagmumukmok ‘nay ah.”“Talaga? E bakit wala akong makitang saya sa mukha mo?”“Oo na po, aamin na ‘ko…miss na miss ko na kasi siya…sabi ni Don Roberto kinontak na siya ni Lito at wala naman daw akong dapat ipag-alala…maaaring wala akong dapat ipag-alala o wala akong karapatang mag-alala…pero anong gagawin ko nay, gusto ko siyang makita…gusto ko siyang makausap…”Naupo si Aling Milagrosa sa tabi ng anak.

“Wala kang gagawin kung ‘di maghintay…pero habang naghihintay ka kailangan mong magpatuloy sa buhay…maging masaya kahit na malungkot ka…maging matapang kahit natatakot ka…at lumaban kahit na gusto mo nang sumuko…”“Nay bakit ba ang galing-galing mong magbigay ng payo?”“Kasi hindi mo naitatanong anak, assistant ako dati ni Dr. Love!”“Talaga po? Kelan ‘yon?”“Noong nanaginip ako, last week lang.

” biro ng matanda.“Si nanay naman eh!”“Pero seryoso anak ha, keri mo naman ‘yan ‘di ba?”“Oo naman po.”Isang yakap at halik sa noo ang iginawad ni Aling Milagrosa sa anak bago ito iniwan sa kusina. (Itutuloy)