Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 469

(Ika-21 na labas)

“Yeah.”

“Lito, basta tandaan mo, you’re always welcome here!” hirit pa ni Aling Milagrosa.

“Nay, English ‘yun ah.” Bulong ni Gabriel sa ina.

“Tse, ano akala mo sa’kin, hindi marunong mag-ingles!” bulong din ni Aling Milagrosa sa anak.

“Salamat po ulit, tutuloy na po ako.” Si Lito.Inihatid na lang nila ng tanaw ang binata.

“Anak, sigurado ka ba na ready ka ng magtrabaho ulit?” nag-aalalang tanong ni Aling Milagrosa sa anak na nagsusuklay sa harap ng salamin.

“Opo ‘nay, naisip ko na hindi masosolusyunan ang problema kung magmumukmok lang ako dito, saka isa pa wala naman akong ginawang masama, wala naman akong inapakang tao para mahiya.”

“Korek, ‘yan tayo eh!”

“Sige po ‘nay, alis na po ako.

”Humalik si Emilia sa pisngi ng ina bago umalis.Kabado man ay taas noong humakbang si Emilia papasok sa main entrance ng kompanya. Tulad ng inaasahan ay nagtinginan sa kanya ang mga empleyadong pasimpleng tsismosa.

“Emilia!” nakangiting bati ni Olivia na sumalubong pa sa kanya.

“H-hi!”

“Akala ko magre-resign ka na eh! Kumusta ka naman, kuwentuhan mo ko mamayang breaktime ha!

”Tango lang ang itinugon ni Emilia. Alam na niya kung ano ang gusto ni Olivia na ikuwento niya.

Dumiretso na ang dalaga sa opisina ni Lito. Pero nagtaka siya nang wala pa doon ang binata.Tinawagan niya ito sa cellphone.

“Haist, bakit naka-off na naman ang cellphone niya?

”Walang nagawa si Emilia kundi gawin ang trabaho niya maski wala si Lito.

Samantala. Sa mansion ng mga Timola.

“Lito, I thought you’re okay, bakit hindi ka pumasok?” nagtatakang tanong ni Don Roberto nang makita ang apo sa study room.

Related Posts

“M-May importante lang po akong ire-research, mas tahimik dito kaya dito ko naisip gawin.”

“Okay, I’m leaving but I’ll be back soon.”

“Saan po kayo pupunta, ‘lo?” “Business meeting.

”Nang makaalis na ang lolo niya ay tumigil si Lito sa pagbubuklat ng libro. Nagsinungaling siya. Wala naman talaga siyang ire-research, may gusto lang siyang iwasan.

Si Emilia. Si Emilia ang gusto niyang iwasan. Pakiramdam kasi niya ay nahulog na ang loob niya dito at ayaw niyang mangyari ‘yon. Kaya gagawin niya ang lahat ng paraan para maudlot ang damdamin na umusbong sa puso niya para dito.Kung kinakailangan na tanggalin na niya ito sa trabaho ay gagawin niya.Pero ang mga plano ni Lito ay mukhang malabong mangyari nang makumpirma niya sa lolo niya na siya ang ipapadala nito sa seminar sa Italy kasama si Emilia.

“What?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Lito sa matanda habang kumakain sila ng dinner.

“Nabanggit ko na ito kay Emilia, pero hindi pa naman siya umuoo dahil kukunsultahin pa raw niya ang mga magulang niya.”

“’Lo, isa po ba ito sa mga ways n’yo para pag­lapitin talaga kami?”

“What’s wrong with that? Sa nakikita ko naman ay hindi ko na kailangang gawin ‘yon.”

“Pero ‘lo…” tulad ng dati ay titiklop na lang si Lito sa lolo niya. Alam kasi niyang hahaba lang ang usapan na ‘yon pero hindi rin naman siya mananalo.Sa pagbabalik niya sa trabaho ay naabutan niya si Emilia na nasa table na nito.

“Good morning Sir, absent ka kahapon ah, himala?”

“Emilia, ba’t ‘di mo sinabi sa’kin?”Kinabahan ang dalaga sa tanong ng binata.

“S-sinabi ang alin?”

“Tungkol sa plano n’yo ni lolo.

”Natigilan si Emilia. Ang pagpapaamo ba sa kanya ang tinutukoy ni Lito?

“S-sir kasi…hindi n’yo naman kailangang malaman eh…”Si Lito naman ang natigilan.

“Bakit hindi ko kailangang malaman?”

“Kasi… ‘eto na naman ba tayo Sir, oo na sige na, gusto ng lolo mo na gawin ko ang lahat para mahulog ang loob mo sa’kin… pero sa maniwala ka’t hindi totoo lahat ang ipinakita ko sa’yo, walang nagdikta sa’kin.”Nabigla si Lito sa narinig.“Emilia, what are you talking about? Ang sinasabi ko ay ‘yung tungkol sa seminar sa Italy.”Si Emilia naman ang nabigla.“P-po?”“Pero salamat. Salamat sa mga narinig ko.” Pagkasabi niyon ay humakbang si Lito palabas ng opisina.

“Sir saglit lang! Sir!”Hindi na pinansin ni Lito ang pagtawag at paghabol ng dalaga. Dumiretso siya sa parking lot at sumakay ng kotse.Tila nauupos na kandila namang napaupo na lang si Emilia habang tinatanaw ang papalayong kotse ng binata.“Emilia, bakit ba napakadaldal mo, sana hinayaan mo muna siyang magsalita bago ka umentra…” inis na sabi ng dalaga sa sarili.Hindi na kinumpronta ni Lito ang lolo niya tungkol sa pakikipagkasundo pa rin nito kay Emilia sa kabila ng pag-walkout niya sa kasal.

Mag-iisip na lang siya ng paraan kung paano niya maiiwasan ang dalaga.Kaya naman buong magdamag ay umaandar ang utak niya kakaisip. Hanggang sa mapabalikwas siya ng bangon.“Tama!”May naisip na siyang ideya. Ang weird ng naisip niya pero desidido siyang gawin ito.

Gusto na sanang mag-back-out ni Emilia sa alok ni Don Roberto sa seminar sa Italy pero nakiusap itong mabuti sa kanya at nangakong ito na ang huling ipapakiusap niya sa dalaga.Napapayag rin naman ni Emilia ang mga magulang niya kahit nahirapan siyang kumbinsihin ang mga ito.

“Anak, okay na ba kayo ni Lito?” tanong ni Aling Milagrosa habang pinapanood sa pag-iimpake ng damit ang anak.“Medyo po.”“Panong medyo?”“E ang totoo po niyan, hindi pa nga n’ya ko masyadong kinakausap pero ‘pag tungkol naman po sa trabaho okay naman kami.” (Itutuloy)