Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 436

Ika-14 na labas

“Ay tsuri naman po, don’t worry wala naman akong sakit eh.” Bawi ng dalaga.

Naiiling na nagsimula na ring kumain si Lito. Habang kumakain ay sige lang sa kakadaldal si Emilia habang tahimik lang ang binata na nakikinig.

Uwian.

Naunang lumabas ng company si Emilia para umuwi. Maya-maya lang ay lumabas na rin si Lito. Natanaw pa niya mula sa glass wall si Emilia na nag-aabang ng masasakyan.

Sa halip na dumiretso na sa parking lot kung saan naroon ang kotse niya ay lumabas si Lito at nilapitan ang dalaga.

“Emilia, g-gusto mo bang sumabay na lang sa’kin?”

Nagulat si Emilia.

“Sir!”

“Yes or no?”

“No thanks sir.”

Walang imik na tumalikod na si Lito.

Pero…

“Sir!”

Lumingon ang binata.

“Yes?”

“I change my mind, it’s a yes!”

“Ok, sumunod ka sa ‘kin.”

Sumunod naman si Emilia papunta sa par­king lot.

“Sir pasensya na ha, ang hirap kasi sumakay ngayon, kanina pa’ko nag-aabang, pero hindi naman ito lagi, baka naman sabihin mo abusada ako.”

Huminto sa paglakad si Lito.

“Inalok kita Emilia at pumayag ka. That’s it, No need to explain.” Pagkasabi niyon ay sumakay na ng kotse si Lito. Sumakay na rin si Emilia sa likuran, pero pinababa siya ng binata.

“Dito ka sa tabi ko, I’m not your driver.”

“Okay sir!”

Agad na sumunod ang dalaga.

“Sir, nasan ang bodyguard mo?”

“Nakasunod lang ‘yan sa’tin.”

Related Posts

“Ah, e sir…”

“Emilia, gusto kong magfocus sa pagda-drive, stop talking.”

Sumandal ang dalaga sa upuan sabay hugot ng malalim na hininga.

Sa isip-isip niya, ibang klase rin pala itong si Lito, minsan mabait, minsan nakakainis.

Kulang na lang wag siyang pagsalitain.

Habang daan ay binalot sila ng katahimikan.

“Para! Sir dito na lang po ako!” nakangiting sabi ni Emilia.

“Wala naman akong nakikitang bahay ah?”

“Papasok pa kasi sa medyo loob, hindi naman kasya ang car mo masikip na kasi ang daan kaya dito na lang ako, lalakarin ko na lang.”

Bumaba na sa kotse si Emilia.

“Salamat Sir!”

Tumango lang ang binata. Paaandarin na nito ang kotse nang biglang magkaproblema.

“Magstart ka.” Kausap nito sa sasakyan.

Napabuntong hininga si Lito. Napansin naman agad ni Emilia ang problema kaya hindi pa ito umalis.

“Sir may problema ba?”

“Ewan ko kung bakit ayaw mag-start…”

“Kung gusto mo tatawagin ko muna si tatay, kasi marunong yon sa mga sasakyan dahil dati naka-sideline siya sa talyer ng ninong ko!”

“Ganon ba?”

“O ano sir, wait ka lang dyan ha, sandaling-sandali lang ako!”

“Okay.”

Ilang saglit nga lang ay kasama na ni Emilia ang ama.

“Magandang hapon Sir Lito!”

Bumaba sa kotse niya ang binata.

“Magandang hapon po, Lito na lang ho.”

“O sige, Lito…teka ano bang nangyari diyan?”

“Hindi ko nga ho alam eh, bigla na lang ayaw mag-start…”

Tiningnan ni Mang Caloy ang sasakyan. Maya-maya pa ay biglang umambon.

“Lito, Emilia, doon na muna kayo sa bahay, ako ng bahala dito!”

“Sige po tay, ikukuha ko na lang kayo ng pa­yong!” (Itutuloy)