Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 466

Ika-13 na labas

“A-ang ibig kong sabihin mas gwapo kang tingnan kapag wala kang salamin.”

Hindi na umimik si Lito. Nagpa­tuloy ito sa pagtatrabaho habang umiinom ng tsaa. Hanggang sa uwian ay nanatili ng walang imik si Emilia. Pasulyap-sulyap na lang ito sa binata na abalang-abala naman sa ginagawa.

Gabi. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi agad makatulog si Lito. Hindi niya alam kung bakit naiisip niya si Emilia. Natutuwa siyang balikan sa isip ang sinabi nito na mas gwapo siya kapag walang salamin.

Bumangon si Lito mula sa mala­king kama at humarap sa half body mirror sa kuwarto niya. Marahan niyang tinanggal ang salamin at pinakatitigan ang sarili.

“N-nagbibiro lang ba siya?…o totoo ang sinabi niya?…”

Muling sinuot ni Lito ang salamin at bumalik sa pagkakahiga. Tumingin siya sa kisame.

Muli niyang inalis ang salamin at kinusot-kusot ang mga mata dahil ang nakikita niya ay ang masayahing mukha ni Emilia.

“M-May nararamdaman ba’ko para sa kanya?…no…”
Kinabukasan. Muli sa opisina.

Lunch time.

“Sir, baka gusto mong sumabay sa’kin sa canteen?”

“No thanks.”

“Alam nyo sir ang saya naming habang kumakain, kasi sina Olivia at Elmo po pala parehong joker, nakakatuwa silang kasama kaya I’m sure hindi kayo mabobored habang kumakain kayo! Busog na kayo sa lunch nyo busog pa kayo sa kakatawa!”

“I said no thanks.”

Saglit na natigilan si Emilia. Pagkuwa’y lumabas na ito ng opisina. Pero ilang saglit lang at bumalik na ito bitbit ang isang tray ng food for two. 2 cups of rice. Dalawang order ng fried fish at 2 cups of chapsuey at da­lawang iced tea.

“Emilia!”

Related Posts

“Sir ‘wag ka nang magalit, libre ko to saka gusto lang kitang samahan na kumain dito para naman happy tayo diba?”

“Pero may sarili akong lunch.”

Pagkasabi niyon ay dumating ang order ni Lito mula sa isang restaurant.

“Wow! Okay!” nakangiting sabi ng dalaga habang tinitingnan ang lunch na inorder ni Lito.

Pagkaalis ng delivery boy ay ina­yos na nila ang pagkain sa extra table sa isang right side corner ng office.

Nagpray muna si Lito. Matapos magdasal ng binata ay kinunan naman ni Emilia ng picture ang pagkain nila.

“Anong ginagawa mo?”

“Ipopost ko sa fb sir, lunch with my boss!” nakangiting tugon ng dalaga.

Bumaling ito kay Lito at madaliang pinindot ang camera para makunan silang dalawa.

“Emilia, that’s enough.” Awat ng binata.

“Kj mo naman, pero sige na nga kain na tayo…so pa’no ‘tong inorder ko?”

“Don’t worry Emilia, hindi naman masasayang ang effort mo, kumakain rin ako ng fried fish at chapsuey.”

“Talaga? Salamat naman, pero alam mo sir kumakain din ako ni­yan eh, kaso ano nga bang tawag di­yan?” sabay turo ni Emilia sa pagkain ng binata.

“This is vegetable fried rice and baby corn Manchurian.”

“Ahh, okay…mukhang masarap! Pwede patikim?”

“Sure.”

Nabigla si Lito nang gamitin ni Emilia ang sariling kutsara sa pagsandok sa ulam.
“Emilia, there is a serving spoon.”