Una sa Balita

My Runaway Groom

By
0 436

“HUWAAAT?” nanlalaki ang mga matang sabay-sabay na tanong ng mga magulang at apat na kapatid ni Emilia.

“Teka muna, grabe naman ang reaction n’yo, magpapaliwanag ako…”

Nanahimik ang lahat. Naghihintay sa paliwanag niya.

“Ganito kasi ‘yon…”

Sinimulan ni Emilia ang pagkukuwento sa pagkukrus ng landas nila ni Don Roberto.

Naglalako siya noon ng banana cue sa kahabaan ng kalsada ng San Agustin nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo.

Nabitawan niya ang paninda at kasunod na noon ay ang pagbagsak niya sa sementadong daan. Isang magarang kotse ang huminto at bumaba ang sakay nito.

Si Don Roberto. Agad niyang pinakarga sa driver niya ang dalaga papasok sa kotse.

Pagmulat ng mga mata ni Emilia ay nasa ospital na siya at maayos na ang pakiramdam niya.

“O ano hija, okay ka na ba?”

“S-sino po kayo?”

“Ah, oo nga pala, ako si Don Roberto, nakita kong nawalan ka ng malay sa daan kaya dinala ka namin ng driver ko dito sa ospital, ‘wag mo ng alalahanin ang paninda mo, babayaran ko na lang.”

“H-ho, e maraming salamat po Don Roberto, pero hindi n’yo na po kailangang bayaran ang paninda ko, ‘yung natulungan n’yo po ako na makarating dito sa ospital napakalaking bagay na po.”

“O sige, ikaw ang bahala. Ano nga palang pangalan mo?”

“E-Emilia po.”

“Emila? Aba’y kaganda naman!”

“Salamat po.”

“Walang anuman, hija!”

“E, Don Roberto ano hong sabi ng doctor? Kailangan ko na po kasing umuwi baka nag-aalala na po sila sa akin.”

“Wala namang dapat ipag-alala, baka raw nahilo ka lang sa pagod o gutom kaya makakauwi ka na rin agad. Actually hinihintay ka lang nilang magising.”

“Gano’n po ba? E tara na po, uuwi na po ako.”

“Sige hija, mag-ingat ka. Pero sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo? Mas mabuti siguro kung tatawagin ko na muna ang doctor para matingnan ka niya ulit bago ka lumabas ng ospital?”

“E s-sige po.”

Ilang araw mula nang mangyari ‘yon. Sa muling paglalako ni Emilia ng banana cue ay muli niyang nakita si Don Roberto palabas ng simbahan.

Nakita rin siya nito.

“Kumusta po kayo?”

“Emilia! H-hindi mabuti, kaya nga ‘eto at pabalik-balik ako sa simbahan para makiusap sa Diyos.”

“B-bakit po, ano pong problema?”

Related Posts

Sinamahan ni Emilia ang matanda sa paglalakad nito patungo sa kotse habang kinakausap.
“E ‘yung apo ko kasi, si Lito, kailangan ko ng babae na magpapakasal sa kanya bago ako mawala sa mundo…”

“Ho?”

“Oo, tama ang narinig mo, at siguro iniisip mo na pampelikula lang ito o kaya’y pang-soap opera… pero masyado na akong pinahihirapan ng sakit ko at ang tanging hiling ko lang ay magkaroon ng makakasama sa buhay ang apo ko dahil kapag nawala na ako ay mag-iisa na lang siya…”

“Bakit, wala po ba kayong mga kamag-anak o mga kaibigan na p’wedeng makasama ng apo mo?”

“Mahirap ipaliwanag… ang apo ko kasing si Lito may pagka-weird, nerd, at sa totoo lang ay naaawa ako sa kanya dahil wala akong nakikitang tao na malapit sa kanya o gustong maging malapit sa kanya…”

Napabuntong hininga si Emilia.

Tiningnan siya ng matanda mula ulo hanggang paa.

“T-teka Don Roberto ‘wag mong sabi­hing…”

“Tama, bakit hindi? Ikaw, ikaw marahil ang sagot na ibinigay sa akin ng Diyos, dahil sabi ko sa kanya sana paglabas ko ng simbahan ay makita ko na ang solusyon sa problema ko at ikaw ang nakita ko!”

Napakamot sa ulo si Emilia.

“Don Roberto naman, marami pa po akong pangarap sa buhay saka bata pa po ako, ayaw ko pang mag-asawa!”

“Kahit dalawang milyon ang kapalit?”

“DALAWANG MILYON?”

Napanganga si Emilia sa sinabi ng matanda with matching laki-mata.

“It’s not a joke Emilia, pag-isipan mo sana.”

“P-pero Don Roberto, bakit ako?”

“Dahil sa unang kita ko pa lang sa’yo naramdaman ko agad ang kabaitan sa puso mo at nakita kong masipag kang bata kaya naman nakakasiguro akong magiging mabuti ang kalagayan ng apo ko sa iyo.”

“K-kahit wala pong pagmamahal?”

“Ang pagmamahal ay p’wedeng matutunan. Maraming paraan ang pag-ibig at iyon ang pinaniniwalaan ko.”

“Hindi po natuturuan ang puso, baka masaktan lang ang apo n’yo or ako mismo!”

“Natuturuan din ang puso.”

“Hindi po…”

“Natuturuan…”

“Hindi po talaga!” May kasama pang pag-iling.

“Maniwala ka sa akin, hija!”

Pareho pa silang nagulat nang biglang bumusina ang driver ni Don Roberto na si Hulyo.

“Hulyo ano ba’t?”

“Pasensya na po Don Roberto pero male-late na po tayo sa susunod ninyong appointment.”