Una sa Balita

Run Em Down nagpaiyak

0 318

TODO paikot sa kuwentuhan ang panatiko ni Run Em Down nang manalo itong dehado sa PHILRACOM-RBHS Class 4 noong Linggo ng hapon sa Santa Ana park sa Naic, Cavite.

Tumama ang kareris­tang si Ronald Calixto sa first daily double at forecast sa panalo ng Run Em Down at dahil may kalakihan ang dibidendo ay walang tigil ang pagkukuwento habang nakapila sa off-track betting station para kubrahin ang panalo.

“Lagas ang bulsa ng mga liyamadista, ako maliit lang puhunan ko pero halos P5,000 ang napanalunan ko,” masayang kuwento ni Calixto.

Kinalos ni Run Em Down ang mga bumenta sa 1,300-meter race na sina Great Style, Don Anton at Alezzandro.

Tinawid ni Run Em Down ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa nasegundong Alezzandro, tersero naman si Don Anton. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More