Una sa Balita

Rule of Law sa POC giit ni Tolentino

0 305

Hindi lamang ang isyu ng bagong pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pilit na lilinawin ngayong hapon kundi pati ang mga teknikalidad sa loob ng pribadong organisasyon ng sports sa bansa sa isasagawa na extra-ordinary general assembly sa GSIS Gym.

Dagdag din sa importanteng pagpupulong ang paghahanda ng mga pambansang atleta at kanilang national sports association para sa pagsabak sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games pati na ang paglilinaw sa binuo na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Itinakda ganap na ala-una nang hapon ang extra-ordinary general assembly ng POC matapos ang surpresang pagbibitiw nakaraang Martes sa pagkapangulo ni Ricky Vargas upang ipaalam sa buong miyembro ang pangyayari at maipaalam ang nagaganap na situwasyon sa asosasyon.

Gayunman, hindi magkatugma ang direksiyon na tinatahak ng organisasyon dahil sa pagkakaroon ng magkahiwalay na mga agenda kung saan plano ni POC chairman Abraham “Bambol” Tolentino na ihayag ang pagpapatawag ng isang pangkalahatang eleksiyon para sa nabakanteng posisyon.(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy