Una sa Balita

Ruffa tumanggi sa trabaho para kay Donita

0 590

Alam mo, Dondon, nakaka-happy lang kapag nakikita mo ‘yung mga artistang magkakaibigan na talagang sobrang close pa rin after so many years.

Isa sa magandang example ng magkaibigan na binilang na ng maraming taon at sobrang tatag pa rin ay sina Ruffa Gutierrez at Donita Rose.

Last week ay nag-birthday si Donita, kaya sabi sa akin ni Ruffa, magla-lunch sila sa Thursday with some friends.

May kumukuha nga sana kay Ruffa on Thursday para sa isang event, pero sabi niya ay hindi niya puwedeng cancel-in ang lunch nila ni Donita. Bale birthday treat raw niya ‘yon sa kaibigan.

In fairness, “That’s Entertainment” days pa lang ay friends na sina Ruffa at Donita at hanggang ngayon nga ay sobrang close pa rin sila.

Kapag may special events sa buhay nila, palagi silang nakasuporta sa isa’t isa.

Proven and tested na nga ang friendship nina Ruffa at Donita at feeling ko ay forever na talaga ‘yon.

Actually, ‘yung sobrang malasakit nila sa isa’t isa ay nakakabilib talaga!

Anyway, belated happy birthday, Donita! Alam ko rin kung ano ang pinagdadaanan ngayon ni Donita dahil last month nga lang yumao ang tatay niyang si William Cavett.

Actually, dahil sa ilang commitments ay hindi kaagad nakapunta ng Amerika si Donita para sa wake ng yumaong tatay. Bale nailibing na ang kanyang tatay nang makapunta siya roon.

Nang mag-text nga ako ng condolences kay Donita at sinabi ko na I’m praying for the eternal repose ng soul ng kanyang tatay ay sinabi niyang, “Thank you! My Dad was a man of great faith who taught me to read my bible every day. For sure, nasa heaven na my Dad!”

Mga Pinoy sa Atlanta super lungkot

Dahil nanood mismo sa Atlanta, Georgia ng Miss Universe 2019 grand coronation night si Joel Cruz ng Aficionado Perfume, nagtanong ako sa kanya ng updates after na hindi nga palarin ang ating official representative na si Gazini Ganados.

Heto ang sabi ni Joel, “South Africa won! She is my favorite! How’s the crowd? Ang mga kababayan natin na nagpunta para mag-support? Not that much crowd compared to the arena. It’s just one floor but Filipinos were cheering hard for Gazini. She made it to the Top 20 only.

“Very sad ang mga Pinoy. Tumahimik ang crowd. Malakas ang pala ng Philippines, Thailand, USA, Mexico, Puerto Rico, Colombia.

“Sa harap namin ang mommy ni Gazini. Siyempre, sad siya.

“Kung ano ang reaction nang hindi matawag sa Top 10 si Gazini? Ako noong nag-speech siya at medyo kinabahan siya, kinabahan din ako. Medyo nautal siya at hindi spontaneous ang delivery ng message niya. Halata na kinabahan siya sa umpisa. Pero sa later part maayos na niyang nasabi (‘yung gusto niyang sabihin).

“Sad lang ang mga Filipino Miss Universe aficionados dahil hindi nga siya pumasok,” sabi pa ni Joel Cruz of Aficionado Perfume.

At least, nagpakitang-gilas naman si Gazini. Hindi nga lang siya pinalad na magwagi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy