Una sa Balita

Ruffa super kayod kahit may sakit

0 419

Alam mo, Dondon, there’s “something” in the air talaga, kaya naman maraming nagkakasakit.

Naku, after mo magkasakit noong Saturday, ako naman ang hindi nakabangon for two days, huh!

Eh, noong Monday na kausap ko si Ruffa Gutierrez at kagagaling lang niya sa pictorial ng new series ng ABS-CBN, ang “Love Thy Woman”, aba, siya naman ang masama ang pakiramdam.

“I have fever, ‘kaloka,” sabi niya pagkagaling niya sa pictorial.

Pero kahit nilalagnat, excited pa rin siya para sa “Love Thy Woman” at sa character niya sa series bilang si Amanda del Mundo.

“We’re all excited,” sey ni Ruffa dahil ngayong February na nga ipapalabas ang “Love Thy Woman” sa Kapamilya network.

Anyway, kahapon, kinumusta ko si Ruffa kung ok na siya.

“Still sick,” sabi niya at idinagdag na kaya na naman niyang lumabas dahil marami siyang mga dapat gawin.

“I can’t rest. Marami akong dapat gawin. I have meeting with teachers in school for Lorin’s college plans. Naka-mask ako,” sabi pa ni Ruffa.

Bago n’yo isipin na magka-college na si Lorin, linawin ko lang na two years pa ‘yon.

Ang mask na gamit ni Ruffa ay N95 Reusable na galing sa Singapore at dini-distribute ng isa niyang kakilala. Marami raw ang gumamit ng mask na ‘yon during the haze in Singapore and it was effective in eliminating lung penetrating particles.

Sabi pa ni Ruffa, “Each mask is infused with chlorophyll and activated carbon for added filtration and toxin elimination.”

Parang ang galing magkuwento ni Ruffa, kaya um-order na rin ako ng isang box (P1,500 a box at 10 masks ang laman). Unimask daw ang tawag sa product na ‘yon.

Naku, better na naka-mask ngayon lalo nga at sabi ko nga, parang there’s “something” in the air na dahilan kaya marami ang nagkakasakit, huh!

Resto ni Shamcey sa GH sarado na

Bongga ang beauty queen na si Samcey Supsup at mister niya na si Lloyd Lee dahil may restaurant business sila. Type ko ‘yung Pedro ‘N Coi restaurant nila at ilang beses na akong nakakain sa kanilang Promenade branch sa Greenhills, San Juan.

Pero nagulat nga lang ako dahil sarado na ang branch na ‘yon nang magpunta ako last week. Bakit kaya?

Nagbabawas kaya ng trabaho si Shamcey dahil mas nagko-concentrate na siya sa pagiging national director ng Miss Universe Philippines organization?

Well… (Note: ‘yung GH branch lang yata ang nagsara)

Mariel de Leon solo flight na sa NY

Home alone na ngayon sa New York si Mariel de Leon dahil nakalipat na siya sa sarili niyang apartment. For a while, tumira muna si Mariel sa kanyang Kuya Gabriel.

Matagal ding inayos ni Mariel ang nilipatang apartment. In fairness, ang ibang mga gamit doon ng actress/beauty queen ay siya mismo ang nag-assemble.

Kamakailan, dinalaw si Mariel sa New York ng boyfriend niya na si Eric Luz at nakapaglibot sila sa Amerika, pero bumalik na rin ito sa bansa.

Nasa New York si Mariel dahil sa modeling contract niya doon.
Nice!

Mother Lily happy sa ‘D’Ninang’

Kahapon ay maaga ako sa production meeting ng “Voice for Love”, ang pre-Valentine dinner concert nina Jed Madela at Angeline Quinto na produced ni Annabelle Rama.

“Pumunta ka muna sa Gloria Maris, nandoroon si Mother Lily (Monteverde),” sey ni Tita Annabelle.

In fairness, maganda ang mood ni Mother Lily. Maganda kasi ang feedback sa “D’Ninang” movie niya na opening day ngayon sa mga sinehan.

Ang dami pala nilang block screenings na naka-schedule hanggang Sunday.

Today nga raw, hiwa-hiwalay sina Ai Ai delas Alas, McCoy de Leon at Kisses Delavin ng mga pupuntahang block screenings dahil iba’t ibang mga fan club nila -ang nag-organize, huh!

Ang bongga lang!

Sana ay tangkilikin ng moviegoers ang “D’Ninang” para naman gumanda ang lagay ng local movie industry natin, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More