Una sa Balita

Ruffa, Raymond angat ang husay sa EDDYS Awards

By
0 2,902

Sa totoo lang, Dondon (my dear editor), gusto kong i-congratulate ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) dahil sa very successful na 2nd EDDYS Awards na ginanap sa The Theater ng Solaire noong Monday!

Aba, sa totoo lang, maayos ang EDDYS, huh!

Gustong-gusto ko na napanatili ninyo ‘yung pagiging organized ng EDDYS at kahit sa backstage, walang mga miron na nakapasok na kadalasan ay nakakaistorbo sa mga artista at singer dahil panay lang ang pa-picture, ‘noh?

Abante Hiring – IT dep

Kung sino lang ang mga kailangan na nasa backstage, talagang ‘yon lang ang mga nandoon.

Ang bongga rin ng mga choice niyo ng mga pinarangalan, kaya naman marami ang bilib sa SPEEd.

At wala talaga akong masabi sa tindi ng clout ng mga miyembro ng SPEEd dahil dinagsa tala­ga sila ng mga celebrity! Marami nga ang pumuri sa red carpet ng EDDYS.

Kung ang red carpet ay hinost nina Tim Yap at Rhian Ramos, ang Awards naman, ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez ang mga nag-host.

Last year kasi, mag-ama (Edu at Luis Manzano) ang mga host, kaya this year, naisipan naman nila na magkapatid ang kunin, kaya sina Ruffa at Raymond nga ang mga kinuha nila.

Sayang nga lang at nasa Europe si Richard Gutierrez dahil gusto sana ng mga taga-SPEEd na ang tatlong magkakapatid ang mga host. (Jun Lalin)

Annabelle pabalik-balik sa ospital

Anyway, nakakatuwa rin ang SPEEd member dahil panay ang pasalamat nila kina Ruffa at Raymond. Hinanap din nila si Annabelle Rama noong awards night para pasalamatan, pero wala nga si Bisaya, kaya nagtaka sila. Actually, may sakit si Bisaya kaya hindi nakapunta sa EDDYS.

Nang makakuwentuhan ko nga si Raymond, sinabi niyang, “Paanong hindi magkakasakit si Mommy, panay ang punta niya ng hospital.

“Noong Thursday, si Tita Esther (Lahbati) ang dinala niya at nagpa-check-up. Noong Friday naman, sina Aria at Ezra ang dinala niya sa hospital at last Saturday naman, ako, kaya siguro nagkasakit si Mommy dahil nakuha niya sa kapupunta ng hospital.”

“Grabeee!” naman ang reaksiyon ni Ruffa sa sinabi ni Raymond.

Anyway, sabi ng magkapatid, they’ll do everything for SPEEd members dahil grabe rin naman ang suporta sa kanilang pamilya.

“Remember si Mommy, press people ang mga kaibigan kahit noong dalaga pa siya. Malaki talaga ang tulong sa family namin ng press people, kaya basta puwede naman, bakit naman kami tatanggi?” sabi naman ni Ruffa.

Natuwa nga si Ruffa nang makita ang napakaraming SPEEd member na malalapit sa kanilang pamilya, huh!

Pinuri rin ng magkapatid ang staff na namahala sa EDDYS Awards night dahil sobrang maasikaso nga sa kanila. Talagang nakatutok sa kanila sa backstage ang scriptwri­ter ng nasabing awards night. (Jun Lalin)

Charo, Maricel love ng mga fan, hindi isnabera

Puring-puri naman ng isang friend ko na si Carolina Ang sina Charo Santos-Concio at Maricel Soriano. Nang makita kasi niya na paalis na si Ma’am Charo, nag-request siya na makapagpa-picture at kahit pasakay na sana ito ng ele­vator ay tumigil muna para makipag-posing sa friend ko.

“Nakakatuwa, hindi siya isnabera!” sey ni Carolina.

Nang makita naman nila ng anak niyang si Justine si Maricel Soriano at nag-request silang magpa-picture, nagpaunlak din kaagad ang aktres.

“Halika na kayo, mag-selfie na tayo!” sey pa raw ni Maricel na kahit nakilala noong araw bilang Taray Queen ay mabait naman sa mga fan, huh!

Oh, take note, sa mga baguhan pa lang sa showbiz na iniisnab-isnab ang mga fan dahil feeling nila ay sobrang sikat na sila dahil napakarami nilang mga follower sa social media account nila, gayahin ninyo sina Ma’am Charo at Maricel, ‘noh?!

Huwag kayong masyadong mag-feeling dahil karamihan naman sa inyo, marami ngang follower sa social media account, eh, flopsina naman ang mga pelikula, huh!

‘Yun lang at babu! (Jun Lalin)