Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruffa pinalitan ni Raymond sa ‘Love Thy Chika’

0 1,023

Dahil sa pagkaka-lockdown bunga ng COVID-19 pandemic ay nabuo ang “Love Thy Chika!” talk show ni Ruffa Gutierrez na isa sa mga nabuong show for OKS (Online Kapamilya Shows).

Ang Dreamscape ng ABS-CBN ang producer ng nasabing talk show ni Ruffa na ginawa para ma-interview at makumusta ni Ruffa ang “Love Thy Woman” co-stars niya.

Nakatsikahan ni Ruffa doon sina Christopher de Leon (with wife Sandy Andolong), Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Eula Valdes (with son Miguel), Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz (with her Tres Marias), plus the handsome boys of the afternoon series na sina David Chua, Turs Daza, Karl Gabriel, and Richard Juan.

Last Sunday naman, it was Ruffa’s turn na ma-interview sa 9th episode no’n, pero alangan namang mag-split screen siya at siya mismo ang nag-iinterbyu sa sarili, kaya nag-takeover muna bilang host ng “Love Thy Chika!” ang brother niyang si Raymond Gutierrez.

It was a fun episode dahil nabanggit din doon ni Ruffa na nakuha niya ‘yung pagiging matapang niya sa nanay niyang si Annabelle Rama.

She even talk about a lot of things about her daughters, Lorin and Venice.

Nabanggit din ni Ruffa sa episode na ‘yon na siya ang nagpapalit ng diapers noon ng mga kapatid na sina Elvis, Richard at Raymond.

That was the time na nakatira pa sila sa Northridge, California.

Sabi ko sa group chat namin nina Ruffa at Raymond (With Richard), I really enjoyed that episode at bagay talaga silang dalawa na magkasama sa isang talk show.

Naalala ko pa nga noon na magkatapat ang “The Buzz” ni Ruffa (sa ABS-CBN) at “Showbiz Central” ni Raymond (sa GMA 7) ng ilang years, pero mga professional naman sila, kaya hindi naka-affect ‘yon sa relasyon nilang bilang magkapatid, huh!

May announcement nga pala na on the 10th episode ng “Love Thy Chika!” ay baka all-star cast ng “Love Thy Woman”, pero sa tsikahan namin ni Ruffa, baka hindi pa raw sure ‘yon, abangan na lang daw ang announcement uli.

So, wala bang balak ang Dreamscape na i-extend ang “Love Thy Chika!” para makatsikahan naman ni Ruffa ang iba pang Kapamilya star?

“So far, wala pa. Magmi-meeting pa lang, pero nag-enjoy ako sa ‘Love Thy Chika!’ dahil ako mismo ‘yung nag-aayos ng camera, pati lightings, lahat-lahat.

“Ako rin nagme-make-up sa sarili ko kasi ito na ang new normal.

“Then, ‘yung assistant ko sa house, naturuan kong mag-blower, kaya siya ‘yung nagbo-blower sa akin,” sey ni Ruffa.

And in fairness to Ruffa, maraming pagkakataon na kapag tsinitsika ko siya at pinaghahandaan niya ang taping ng talk show na ‘yon ay wala siyang time dahil nagre-research pa raw siya ng mga puwedeng itanong sa kanyang mga iinterbyuhin dahil wala naman siyang kasamang writer sa taping na sa house lang niya ginagawa at ang mga iniinterbyu naman niya ay nasa kani-kanilang lugar, huh!

Aktor inilantad ang dyowang boylet

Darating kaya ang pagkakataon na aamin ang isang aktor kung ano talaga ang sexual preferences niya?

After kasi na ma-link sa isang hunk actor (na obvious din ang sexual preferences), may isang guy na naman daw na karelasyon si aktor.

Tama ba ang tsikang open sila sa kanilang mga kaibigan tungkol sa relasyon nilang dalawa?

Hindi showbiz ang bagong karelasyon ni aktor, pero kilala rin ito sa society.

‘Yun ba ang dahilan kung bakit ang hunk actor na sinasabing matagal niyang nakarelasyon ay naglabas daw ng “ebidensiya” ng pagiging magkarelasyon nila noon?

Well… well… well…

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.