Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruffa nasa TV5 na rin

0 314

Nagkaroon na nga ng announcement noong Tuesday para sa kilig-serye ng TV5 na “Stay-In Love” na pagtatambalan nina Maris Racal at Kokoy de Santos.

Ang “Stay-In Love” ang sinasabing project sana para sa mag-ex sweethearts na sina Maris at Iñigo Pascual, pero hindi nga pinayagan ng ABS-CBN ang huli dahil marami pang mga plano sa kanya ang Kapamilya network.

Kahit nasa TV5 na nga ang tatay ni Iñigo, si Piolo Pascual na may “Sunday Noontime Live (SNL) ay nananatiling Kapamilya ang young actor/singer.

Ngayon nga pala ang COVID-19 swab testing ng cast ng “Stay-In Love” at magla-lock-in na sila sa Sunday para sa pagsisimula ng kanilang taping.

Kasama sa “Stay-In Love” si Ruffa Gutierrez na noong Tuesday night ay busy sa pakikipag-coordinate sa kanyang stylist para sa mga wardrobe niya sa nasabing kilig-serye.

Freelancer si Ruffa, kaya puwedeng-puwede siyang magtrabaho sa kahit na saan. Pero hindi ikinakaila ni Ruffa na “lucky project” for her ang afternoon series na “Love Thy Woman” na nagtapos na noong September.

KathNiel hindi mayabang, pasaway

Pinasalamatan nga ni Ruffa ang Kapamilya network dahil, “After that project, nagkasunod-sunod ang blessings ko!”

Gustung-gusto rin ni Ruffa ang first digital movie series na ginawa niya under Star Cinema, ang “The House Arrest Of Us”.

Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga bida sa “The House Arrest Of Us” at puring-puri niya ang mga ito.

“Proud na proud ako na nakasama ko sa isang project for the first time ang inaanak kong si Daniel Padilla. Napakamarespeto. Ang bait, pati rin si Kathryn,” sabi ni Ruffa.

Kahit nga raw parehong box-office stars ang dalawa, hindi raw pa-Superstar ang mga ito sa set ng kanilang digital movie series.

“On time sila palagi sa set,” sabi pa ni Ruffa.

Bistek, Joy ‘banggaan’ sa 2022

Still on “The House Arrest Of Us”. Kasama sa project na ‘yon si Herbert Bautista at sila ni Ruffa ang magka-partner.

Alam mo, Dondon, curious lang ako – may nagtsika kasi sa akin na posible raw na balikan ng former mayor of Quezon City ang mundo ng politika.

Duda ng kausap ko, baka kumandidato uli si Bistek sa QC sa 2022.

Naku, magkakatapat pa sila ng dati niyang vice na si Mayor Joy Belmonte kung ganoon?

Well…

Pooh mabenta sa Singko

Ang bongga rin ng komedyanteng si Pooh dahil kahit nag-TV5 na siya dahil kinuha nga siya ni Mr. Albee Benitez at ng Brightlight Productions para sa gag show na “Sunday ‘Kada” na nag-pilot telecast na noong Sunday at ngayon naman, kasama rin siya sa “Stay In-Love”, huh!

Ang sarap lang na kahit may pandemic, marami pa rin namang trabaho ang mga artistang katulad ni Pooh.

Alam mo, Dondon (my dear editor), isa itong si Pooh sa mga artistang mabait sa entertainment press. Kapag nakita ka niya, siya talaga ang unang babati.

Kapag katsikahan mo nga si Pooh, hindi mo mararamdaman na may attitude siya, huh! Actually, nakakaaliw nga si Pooh dahil kapag iniinterbyu ng entertainment press, sobrang appreciative siya at parang nahihiya pa nga.

And in all fairness to Pooh din, wala kang maririnig na nag-attitude siya, kaya naman sinusuwerte, ‘noh?!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.