Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruffa naloka: Derek astang ‘tatay’ ng anak nina Ellen, John Lloyd

0 200

Sa ngayon, dedma lang at walang ano man reaksiyon nakukuha kay John Lloyd Cruz sa bagong relasyon ng ina ng anak niya na si Elias.

Ang balita nga ay live-in na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. At mukha rin na close na close na ang anak nina Ellen at John Lloyd kay Derek.

Kung gaano halos itinatago noon ang mukha ni Elias sa social media, ngayon ay out na out na ito sa mga video ni Ellen.

Maging si Derek ay nagpo-post ng video na kasama sina Ellen at anak nito. Nakahiga sila sa kama, nakagitna si Elias na pinaglalaruan ang mukha ni Derek. At may spider raw sa mukha ni Derek. Kaya kumanta pa ang huli ng ‘Eensy Weenzy Spider’.

At kitang-kita rin sa video na dumagan at yumakap si Elias kay Derek, evidence na very comfortable ito sa boyfriend ng ina.

Ang reply nga ni Ellen sa video na yun, “My boys my heart. I kennot.”

In fairness, ang daming nag-heart sign sa video. Ang daming naku-cute-an kay Elias at nagsabing happy family at sweet daw.

Habang si Ruffa Gutierrez naman na neighbor nila at pwedeng sabihin na naka-witnessed ng love story ng dalawa mula umpisa ay napa- “Kakaloka!!!” (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.