Una sa Balita

Ruffa naguwapuhan kay Digong

By
0 3,079

Isa si Ruffa Gutierrez sa napakaraming mga Pinoy na nanood ng Royal wedding coverage live on television, nina Prince Harry at Meghan Markle at gandang-ganda siya roon.

May iba tuloy na nagtatanong kay Ruffa kung pangarap ba niyang makasal uli?

“As of now, I don’t have plans of getting married again! My forever loves are Lorin and Venice.

“If the opportunity comes… I’ll cross the bridge when I get there but as of now I don’t have any plans or dreams about getting married again,” pahayag niya.

Medyo naloka nga lang daw si Ruffa sa nanay niyang si Annabelle Rama na katabi niyang nanonood ng Royal wedding dahil sa dialogue nito.

“I watched with Mom at Waterfront (hotel) and all she could say was, ‘Suwerte naman ‘yang babaeng yan! From suitcase holder sa Deal or No Deal, ngayon Royalty na!

“Hahaha! ‘Kaloka talaga si Mommy!” sey ni Ruffa, pero nagkomento naman ako na baka pinariringgan lang siya ni Bisaya dahil kontra ito sa boyfriend niyang si Jordan Mouyal.

“Ma (malay) at pa (pakialam) ko! Basta nakakatawa si Mommy. That’s all!” sabi pa ni Ruffa na obvious na ayaw nang mag-comment dahil mababasa nga ni Bisaya rito sa Abante kung may sasabihin pa siya at baka pagsimulan na naman ‘yon ng away nila at sweet pa naman sila ngayon.

Actually, kaya nga sila sa Waterfront Hotel nanood noong Saturday ay dahil nasa Cebu City at imbitado roon sa isang event na ang special guest ay si President Rodrigo Duterte.

May picture nga si Ruffa na pinost kung saan kasama niya sa Pres. Digong.

Sabi ni Ruffa, “The President looks better in person! TV and print doesn’t do him justice. We only had brief exchange of pleasan­tries because everyone wanted a photo with him.”

Nora sa Bicol nag-birthday

Kahapon ang 65th birthday ng Superstar na si Nora Aunor at wala raw celebration talaga. Bale nagpunta lang ng Bicol si Mama Guy at ang duda ng isang malapit sa kanya ay inaayos pa rin ng Superstar ang mga lupa niya roon.

Kung ang 65 nga pala sa iba ay full retirement na, si Mama Guy naman, ratsada pa rin dahil sa June na nga magsisimulang ipalabas ang Extraordinary Love kung saan ay kasama siya sa main cast.

Kuwento pa nga pala ng isang nakatsikahan ko, malamang daw na ang Noranians ay magkaroon ng post-birthday celebration para sa kanilang idolo dahil noong Sunday raw ay nag-meet sila para pag-meeting-an ang tungkol doon.

In fairness to the Noranians, active pa rin naman sila hanggang ngayon at marami silang mga pinaplano lalo na at malapit na nga ang primetime series ng Superstar sa GMA 7.

Nanay ng sikat na young actress sa ABS-CBN bilib kay Barbie

Naku, dapat matuwa si Barbie Forteza, ang star ng Inday Will Always Love You, new primetime series ng GMA 7, dahil sa comment ng nanay ng isang sikat na young actress ng ABS-CBN.

“Si Barbie raw po ‘yung sikat na young actress ng GMA 7 kaya siya pinu-push talaga?!” sabi ng nanay ng sikat na young actress ng Kapamilya network.

O, ‘di ba naman at kahit mga taga-Dos, napapansin si Barbie, huh!

Anyway, as of this writing, hindi pa nakakapag-air ang Inday Will Always Love You na nag-pilot telecast kagabi, kaya wala pa akong nakukuhang kahit na anong feedback sa first episode nila.