Una sa Balita

Ruffa naghanap ng mapapangasawa sa MGM Grand

0 429

abante-anything-goes-jun-lalinMarami ang natuwa nang makita si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa boxing fight nina Manny Pacquiao at Keith Thurman. Si Catriona pa ang tagawagayway ng bandila ng Pilipinas! Super smile si Catriona sa lahat ng mga bumabati sa kanya.

Anyway, bago ang boxing fight, binigyan naman ni Narvacan Mayor Chavit Singson ng extra ticket si Ruffa Gutierrez. Sa floor area ang ticket na ‘yon na worth $2,500.

Dapat ay katabi namin ni Elvis Gutierrez si Ruffa, pero sabi ko sa kanya better na sa pinakaharap na siya umupo.

Nag-agree naman siya at nagbirong, “Baka makatabi ko pa ang magiging future husband ko. Hahaha!”

Teka! Bakit kaya may ganoong biro si Ruffa, boyfriend-free na ba talaga siya?

Well, baka nga dahil mag-isa lang talaga siya na magpunta ng Amerika at mali ang duda ng nanay niyang si Annabelle Rama na baka biglang kasama pala niya si Jordan Mou-yal.

In fairness, ni anino ni Jordan hindi ko nakita. Wala na kaya sila kaya may ganoong dialogue si Ruffa?

Naku, for sure, magre-rejoice si Bisaya!
Hahaha!

Pacquiao dinumog ng mga NBA player

Grabe as in grabe ang palabas sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada after ng boxing fight kahapon ni Manny Pacquiao kung saan nanalo siya against Keith Thurman.

Parang dagat ng tao ang hallway na palabas ng nasabing arena. Puno naman kasi ang nasabing arena at majority ng mga nanood ay maka-Pacquiao talaga.

Alam mo, Dondon, talagang grabe ang hiyawan ng mga tao ng “Pacquiao! Pacquiao!” at gusto nila na ang manalo talaga ay ang ating Pambansang Kamao.

Hindi man na-knockout ni Manny si Keith, still, panalo siya, huh!
Dumaan nga pala sa harap ko ang ilang NBA players na nanood ng nasabing fight at tuwang-tuwa ang mga nakakita sa kanila. At lahat sila ay gustong-gusto si Pacquiao.

Sayang nga at hindi ako mahilig sa NBA games, kaya hindi ko sila kilala. Hahaha!

Jaworski pinagkaguluhan sa MGM

Ang PBA legend na si Ro-bert Jaworski ay nakita ko nang paalis na ako ng MGM Grand, kaya nagsabi ako kung puwede siyang ma-interview and in fairness, very accommodating ang dating senator.

Ang fans na nasa MGM Grand, pinagkaguluhan siya at lahat ng mga gustong magpa-picture ay pinagbigyan niya. Kahit medyo pagod na nga siya, nakangiti pa rin siya sa lahat ng mga nagpapa-picture.
Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy