Una sa Balita

Ruffa mukhang baboy – Annabelle

0 1,643

Naku, Dondon, sobrang happy ng mga fan ng KimXi dahil ipapalabas na pala ngayong February ang “Love Thy Woman” series nina Kim Chiu at Xian Lim sa ABS-CBN, huh!

Sa Monday nga raw ay may pictorial sila para sa “Love Thy Woman”. Bukod sa KimXi, kasama rin sa “Love Thy Woman” si Yam Concepcion (na pumalit sa nag-quit sa series na si Erich Gonzales), Christopher de Leon, Sunshine Dizon, Zsa Zsa Padilla, Jana Victoria at Ruffa Gutierrez.

Nice!

Si Ruffa, excited na sa taping niya for “Love Thy Woman”. Bukas ang first day taping ni Ruffa.

Buti na lang at panay na ang diet at exercise niya pagbalik nila ng mga anak na sina Lorin at Venice mula sa Christmas break nila sa Los Angeles, California.

Sabi ni Ruffa, may 21-day weight loss challenge siya na nag-start last week.

“Buti na lang, nag-start na akong mag-diet and exercise dahil may taping na pala ako sa Friday (tomorrow). Noon kasing bago kami nag-Christmas break sa L.A., nag-lose na ako. Pumayat na ako, pero panay ang kain namin doon ng kids, kaya lumaki ako.

“Si Mommy (Annabelle Rama) nga, kapag kausap ko, pinagagalitan ako. Panay raw kasi ang kain ko sa US,” natatawang sabi ni Ruffa.

Actually, ilang beses na katabi ako ni Tita Annabelle habang kausap niya si Ruffa sa cellphone. Madalas ang “talak” ni Tita Annabelle.

“Puro pagkain na lang ang pino-post mo. Puro kain na lang ang ginagawa n’yo. Ang laki mo na, Ruffa, parang ‘baboy’ ka na!” ang palaging paalala ni Tita Annabelle sa kanyang panganay.

Mabuti na nga lang pagbalik ni Ruffa sa bansa ay panay ang punta niya sa clinic ni Cathy Valencia, kaya nagagamit niya ang iba’t ibang machines doon na effective magpapayat, kaya walang problema si Ruffa sa pagsisimula niya ng taping for “Love Thy Woman” bukas.

“I’m excited!” sey ni Ruffa.

Wilma, 2 anak na-dengue

Grabe pala ‘yung nangyari kay Wilma Doesnt at sa anak niyang si Svet at stepson na si Harley. Pare-pareho kasi silang na-dengue.

Sa una nga raw ay sina Svet at Harley lang at si Wilma ang nagbabantay sa kanila, pero after gumaling ng dalawa, ang comedienne naman ang na-dengue at naospital.

Sabi naman ng manager ni Wilma, si Therese Ramos, mukhang ok naman ang comedienne. Gusto nga raw nilang dumalaw sa hospital, pero as of yesterday ay wala pang update kung hanggang kailan mako-confine si Wilma.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More