Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruffa may pasabog kay John Lloyd

0 397

Nawindang sina Maris Racal at Pooh sa sagot ni Ruffa Gutierrez tungkol kay John Lloyd Cruz.

Naging sample kasi sa “jojowain o totropahin” game nila ang aktor.

Sey ni Maris, jojowain niya si John Lloyd habang si Pooh ay mas gustong maging tropa lang ang aktor.

Naloka naman sina Maris at Pooh sa sagot ni Ruffa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Jinowa ko na ‘yan!” ani Ruffa sa shinare na video sa Twitter ni showbiz reporter MJ Felipe mula sa TikTok.

Naging malapit sa isa’t isa sina Ruffa at John Lloyd sa 2008 ABS-CBN series na “I Love Betty La Fea”.

Sa kabila na hindi sila nag-workout ay nanatili raw magkaibigan ang dalawa. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.