Una sa Balita

Ruffa masaya sa pagkatalo kay Jackie

By
0 2,791

Talunan ang group ni Ruffa Gutierrez sa Broadway Singer Citizen ng Eat Bulaga noong Thursday kung saan ay nakasama niya ang mga anak na sina Lorin at Venice, sister-in-law na si Alexa Uichico at niece na si Aria, pero walang problema ‘yon sa panganay ni Annabelle Rama.

Actually, sabi ni Ruffa, happy siya na nanalo si Jackie Forster at ang pamil­ya nito.

“Ang cute ng mga anak niya,” sabi ni Ruffa tungkol kay Jackie.

Actually, ‘yung participation daw ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice sa “production number” nilang ‘yon ay biglaan daw.

Nang una niyang sabihan ang mga ito para sa gues­ting na ‘yon sa Eat Bulaga ay parehong ayaw pumayag nina Lorin at Venice, pero na-convince rin niya.

Eh, si Bisaya naman, nagpunta rin sa Eat Bulaga studio para magbigay ng moral support sa group ni Ruffa.

Ang maganda pa kay Bisaya, may dala siyang mga alahas na ipinasuot kay Ruffa, kay Alexa at sa kanyang mga apo.

Pero after ng performance, nakabantay si Bisaya at isa-isang kinuha ang kanyang mga alahas at baka mawala raw.

Puso ni Jackie umaapaw sa kaligayahan dahil kina Kobe, Andre

Nang makatsikahan ko naman sa dressing room si Jackie, sinabing sobrang happy siya ngayon.

Obviously, ang pagkakasundo nila ng mga anak na sina Andre at Kobe Paras ang isa sa dahilan ng happiness ngayon ni Jackie.

Pagkatapos nga pala ng guesting na ‘yon ng group ni Ruffa ay nagyaya siyang mag-lunch sa may Tomas Morato, Quezon City at siya na ang nag-treat dahil mukhang masaya naman siya na bati na naman siya ng kanyang Mommy dearest.

Piolo sobrang tigang pa rin, walang oras sa babae

Sa presscon ni Piolo Pascual noong isang hapon para sa Megapro Plus Megasound, inusisa ko ang aktor tungkol sa kanyang love life.

Wala pa rin daw.

Sa sobrang busy raw niya, parang malabo niyang maisingit ang tungkol doon.

Pati sa nakaraang pagpunta nila sa Honolulu, Hawaii para sa ASAP show roon ng TFC (The Filipino Channel), wala naman daw “something” dahil hindi naman niya puwedeng i-mix ang work sa love life.

Sa tingin din daw ni Piolo ay matatagalan pa nga bago siya magkaroon talaga ng time para sa kanyang love life dahil kahit matatapos na ang series niya sa ABS-CBN ay may gagawin naman daw siyang dalawang pelikula.

Bukod doon, abala rin siya sa ilang pelikula na co-producer siya, kaya malabo raw talaga na maisingit ang kanyang love life sa kanyang busy sche­dule.

Biniro ko nga pala si Piolo na daig pa siya ng anak niyang si Iñigo Pascual na mukhang sobrang in love sa rumored-girlfriend na si Maris.

Sabi ni Piolo, hindi siya sure kung ano na nga ba ang relasyon nina Iñigo at Maris.

Piolo handa nang maging lolo

So, ready na ba siya na from Papa P ay maging Lolo P na siya?” birong tanong ko kay Piolo at sinabing, “Oo naman, lolo na ako. May apo na ako sa pamangkin!”

Kung sakaling ready na naman daw si Iñigo na magkaroon ng anak, wala rin daw problema sa kanya na maging lolo na talaga!

Samantala, madalas daw silang mag-bonding ng kanyang pamilya at nagsi-sing-along, kaya natuwa raw siya nang kunin siyang endorser ng Megapro Plus Megasound.

Actually, may ganoong produkto raw siya kahit hindi pa siya endorser ng Megapro Plus Megasound at natuwa nga nang dumating ang offer na maging endorser siya ng nasabing brand.

Kasama nga rin palang ni-launch bilang endorser ng Megapro Plus Mega­sound si Wacky Kiray.