Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruffa kakanta ng ‘Bahay Kubo’ sa PWU

0 79

Isa si Ruffa Gutierrez sa mga celebrity na mahilig sa mga beauty pageant. Hindi naman nakapagtataka ‘yun dahil Miss World Second Princess (1993) siya.

Isa siya sa mga manonood ngayong umaga ng live telecast ng 69th Miss Universe competition night (gabi pa kasi ng May 16 sa Hollywood, Florida kung saan gaganapin ‘yon).

Of course, she’s supporting our official candidate, si Rabiya Mateo.

Live na mapapanood sa A2Z bilang handog ng ABS-CBN sa mga Filipino pageants fan ang 69thMiss Universe competition night.

Sa tuwing magka-chat nga kami ni Ruffa via WhatsApp, ang iba’t ibang reaction ng mga beauty pageant fan tungkol sa 69th Miss Universe ang napagtsitsikahan namin.

Anyway, aside from that, napagtsitsikahan din namin ni Ruffa ang tungkol sa online studies niya sa Philippine Women’s University: School of Arts and Sciences (SAS) kung saan ay kumukuha siya ng kursong Bachelor of Arts Major in Communication Arts.

Busy raw siya sa kagagawa ng ‘homework’.

Marami siyang mga research na ginagawa dahil na rin sa mga kailangan niyang i-submit sa kanyang professor.

Naaliw rin ako sa kuwento niya na nagme-memorize siya ng traditional Tagalog song at ang napili niya ay “Bahay Kubo”. Bukas daw niya kakantahin ‘yon.

Biniro ko si Ruffa na baka kaya siya pinakakanta ng professor niya ay dahil sobrang init ngayon sa Pilipinas dahil summer nga at baka umulan kapag kumanta siya. Tawa lang ng tawa si Ruffa sa sinabi ko. Hahaha!

Anyway, marami ang natuwa nang malaman na nag-aaral na si Ruffa na bago pa man niya nai-post ay nasulat na namin dito sa Abante.

***

Palakasan ng tili sa Florida: Mga Pinoy ‘di nagpatalbog sa Thailand, Puerto Rico

Speaking of 69th Miss Universe beauty pageant, isa sa mga nandoon ngayon ay ang kaibigan ko na si Jennifer Tay. Two nights siyang nanood.

Una ay noong ‘National Costume’ event kung saan ay $85 ang binayad ng bawat isa sa kanila. Sa pre-pageant naman daw ay $120 ang bayad sa bawat ticket nila.

“Sa taas lang ‘yon. Sa baba, mas mahal at mga VIP at high roller sa casino ang karamihan sa may tickets,” sey ni Jennifer dahil sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino nga ang venue ng nasabing beauty pageant, kaya kung VIP player ka, may free tickets ka talaga.

Mas mahal daw ang tickets para sa pageant night mismo at hindi na raw bumili si Jennifer at ang mga kasama niya dahil paalis na sila ng Hollywood, Florida.

“May mga Pinoy rin ako na nakita na nagpunta para mag-support kay Rabiya, pero parang hindi kami ganoon karami. Kalat-kalat kami. Pero may ibang may dalang Philippine flags.

“Nanghiram nga ako sa kanila ng flag nang magpa-picture ako.

“Siguro ang ibang mga Pinoy, sa pageant night na mismo manonood. Baka dumami pa.

“Pero kahit hindi naman sobrang daming mga Pinoy, malakas ang sigawan kapag si Rabiya na ang tinatawag sa stage,” kuwento pa ng friend ko.

Marami raw mga taga-Puerto Rico at mga taga-Thailand na nandoon din para suportahan ang mga official candidate nila.

Pero at least, sabi nga ni Jennifer, kahit hindi sobrang dami nilang mga Pinoy na nandoon, ang bongga naman ng sigawan kapag tinatawag na si Miss Philippines.

So nice!

Leave A Reply

Your email address will not be published.