Una sa Balita

Ruffa iniwan si Jordan para sa mga anak

By
0 4,671

Nasa Kuala Lumpur, Malaysia ngayon si Ruffa Gutierrez kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice. Ka-message ko kahapon si Ruffa at sinabing family bonding nila ang pagpunta sa KL.

Pareho na kasing dalagita sina Lorin at Venice, kaya sinasamantala na ni Ruffa ang mga ganitong pagkakataon na nakakasama niya ang mga anak.

Dahil teenagers na, may mga barkada na rin sina Lorin at Venice, pero in fairness sa dalawa, hindi naman sila basta naglalakwatsa na hindi alam ng nanay nila, huh!

Mahigpit din kasi si Ruffa sa mga anak. Hindi puwedeng unahin nina Lorin at Venice ang pagba-bonding with their barkadas hanggang hindi natse-check ng kanilang nanay ang kanilang mga homework from school.

Sabi ni Ruffa, she’s doing everything bilang single working mom para mabigyan ng magandang education ang mga anak.

Oo nga pala, ang alam ko, hindi kasama ng mag-iina sa KL ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal, pero kahapon naman, nag-post si Ruffa sa kanyang Instagram account (@iloveruffag) ng pictures nilang dalawa at pinasalamatan ang boyfriend for loving and always making her happy.

Siyanga pala, habang nasa KL, alagang-alaga si Ruffa at ang kanyang mga anak sa hotel na pinag-stay-an nila. Panay ang padala sa room nila ng chocolates and fruits at ang sabi niya, hindi niya kinakain ang chocolates dahil tataba lang siya kaya fruits daw ang kanya.

Eh, panay rin ang padala ko sa kanya ng pictures ng iba’t ibang pagkain sa isang messa­ging app, kaya ang sabi niya sa akin ay tigilan ‘yon dahil ginugutom daw siya.

Pero in fairness to Ruffa, hindi naman siya nate-temp na kumain ng mga bawal sa kanyang diet dahil dedicated nga siya sa kanyang pagpapapayat o ang madalas na sabihin ng mga celebrity na ‘balik-alindog’ program!

Yasmien nakakabilib ang kaseksihan

Marami ang bumilib kay Yasmien Kurdi dahil kung kailan siya naging mommy, aba, mas na-maintain na niya ang kanyang kaseksihan. Kung dati-rati kasi, pumapayat man ay bumabalik din ang pagiging chubby niya, pero ngayon, talagang sexy na si Yasmien at nakakainggit ang kanyang katawan.

Sa presscon nga ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA 7 ay marami talaga ang na-curious sa kanyang diet at exercise dahil napanatili na nga niya ang kanyang kaseksihan.

Oo nga pala, kahit busy na naman sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nasabi ni Yasmien na masaya siya dahil nagagawa pa rin niya ang tungkulin niya sa kanyang pamilya. Ang mister nga pala ni Yasmien ay isang pilot, si Rey Soldevilla, Jr.