Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruffa happy ang Christmas dahil kina Lorin, Venice, Bistek

0 232

So, how’s your Christmas, Dondon (my dear editor)?

Well, if you’re going to ask me, very happy ako dahil after ilang years, ngayon lang uli ako nakapag-Christmas dito sa Philippines at kasama ko pa ang pamilya ko.

Actually, iba talaga if kasama mo ang pamilya mo, kaya nga si Ruffa Gutierrez, sobrang saya na kasama niya ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, plus sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Zion and Kai, si Elvis Gutierrez with Alexa, Aria and Ezra, si Rocky Gutierrez pati ang mga anak nito at iba pa nilang mga kamag-anak sa bahay nila sa Quezon City.

Of course, special guest nila si Herbert ‘Bistek’ Bautista na sinusuportahan nila ang kandidatura sa pagka-senador.

Naku, Dondon, parang nakikinita ko na na napapa-smile ka, pero huwag na ‘yung pagdating doon ni Bistek ang pag-usapan natin, huh!

Sobrang happy si Ruffa dahil kasama niya ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice.

Ilang buwan ding hindi nakasama nina Ruffa at Venice si Lorin dahil nag-aaral nga ito ngayon sa Pepperdine University sa Malibu, California.

Pero dahil Kapaskuhan, ilang weeks ding makakasama nina Ruffa at Venice si Lorin, kaya ang saya-saya!

Siyempre, masaya rin si Bisaya dahil kasama nila ang panganay niyang apo na si Lorin, huh!

Almost complete sila. Dalawa lang ang kulang sa mga kapatid ni Ruffa, si Raymond Gutierrez na nasa Beverly Hills, California at si Ritchie Paul Gutierrez na nagbabakasyon naman sa mga kamag-anak ni Bisaya sa Reno, Nevada.

“We’re almost complete na family, ang saya!”

Pops, Martin nasa Las Vegas

Si Pops Fernandez, ang saya-saya rin dahil kasama niya ang dalawang anak na sina Robin and Ram Nievera.

Ilang araw na rin silang magkakasama sa Las Vegas, Nevada.

Nakasama rin nilang mag-celebrate ng Christmas si Martin Nievera, plus some friends, pati si Katrina Ojeda (na engaged na ngayon sa dating singer na si Jerome John Hughes).

Sabi ni Pops, “Since nandito kami sa Las Vegas, iba naman. Kasi kapag nasa Philippines kami, usually, kasama namin Mom ko (Dulce Lucban). We play bingo after dinner while waiting for midnight. Then we open gifts.

“This year, anything goes kami.”

At least, kasama niya sina Robin at Ram at nakasama pa si Martin na best friend na maituturing ni Pops, huh!

Ang saya lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.