Una sa Balita

Ruffa, Donita, Assunta super enjoy sa ‘EB Boom’

0 783

abante-anything-goes-jun-lalinKaaliw talaga kapag nagkakasama sa isang TV guesting ang magkakaibigan.

Kahapon, sina Ruffa Gutierrez, Donita Rose at Assunta de Rossi ang magkakasama sa Boom! game segment ng Eat Bulaga.

Habang nasa dressing room ang tatlo, kung ano-ano ang topic ng usapan nila.

Napunta ang tsikahan nila sa kaibigang si Karla Estrada.

Nabanggit ni Ruffa kay Assunta na ninang siya ni Daniel Padilla.

“Ninang sa kumpil?” tanong ni Assunta kay Ruffa.

“No, ninang talaga sa binyag,” sey ni Ruffa.

“She was 12 nang mag-ninang kay Daniel. Hahaha!” sabat ko naman.

“Hahaha. D (for Donita), ninang ka rin ni Daniel, right?” tanong naman ni Ruffa kay Donita na sinagot nito ng, “Yes!”

Naalala naman ni Ruffa na ninong ng panganay niyang si Lorin ang mister ni Assunta na si former Congressman Jules Ledesma.

Nag-agree naman si Assunta at sinabing, “Marami nang utang si Jules kay Lorin, kaya babawi siya sa debut,”­ sey ni Assunta na kinontra ni Ruffa dahil, “Lorin has a Sweet 16 celebration next year, kaya next year pa lang, babawi na si Jules! Hahaha!”

Tawa na rin nang tawa si Assunta.

Biglang naisip ni Ruffa kung ninang ba siya ng anak ni Donita na si JP Villarama, pero sabi ng kaibigan, wala raw mga ninong at ninang ang anak niya.

“Naku, ‘yan ang big mistake mo. Hahaha!” tawanan na silang tatlo.
Iniba ko naman ang usapan at ikinuwentong noong mag-promote ng Tres sa ABS-CBN si Assunta ay sinundo siya ni Jules.

“Naku, gusto lang ni Jules na mag-drive, kaya ako sinundo no’n. Hahaha!” sey ni Assunta nang idagdag ko na ang sweet ng kanyang mister.

Nag-enjoy nga pala ang tatlo sa Boom! game show ng Eat Bulaga.

 

Kaya pala payat
Ryzza Mae conscious na sa kinakain

 

At the backstage of Eat Bulaga, lumapit at nag-kiss sa akin si Ryzza Mae Dizon, kaya napansin ko na na malaki na ang ipinayat niya.

“Naku, nagdadalaga ka na!” sabi ko kay Ryzza na medyo nabawasan na ang kakulitan.

Bale 13 na rin naman si Ryzza, kaya no wonder na conscious na rin siya sa kanyang mga kinakain.

Sabi naman ni Direk Pat (floor director ng show), nagda-diet na rin daw kasi ang dating child wonder ng Eat Bulaga.

For health reasons din daw kasi kaya nagpapapayat na si Ryzza.

 

Network war nabalewala kina Jolo, Brian, Luigi

 

Nag-guest din pala sa Eat Bulaga ang Revilla brothers na sina Jolo, Brian at Luigi para sa promo ng kanilang Tres.

Ang Star Cinema ang magri-release sa Wednesday ng Tres, pero mabait naman sa kanila ang GMA 7 dahil kahit sa ibang shows nila ay pinapayagang mag-guest ang mga Revilla.

So, bongga nga kasi dahil sa Tres, parang nawala ang “networks war”, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy