Una sa Balita

Rufa Mae itinanggi ang hiwalayan kay Trevor

0 461

Nag-deny si Rufa Mae Quinto na hiwalay na sila ng mister niyang si Trevor Magallanes. Kasalukuyan kasing nasa Amerika si Trevor at nasa Pilipinas si Rufa Mae at ang anak nilang si Alexandria.

Natawa na lang si Rufa Mae sa balitang ito dahil wala naman daw katotohanan.

“May work kasi si Trevor sa Amerika. Hindi naman niya puwedeng pabayaan ang trabaho niya.

“Kami naman ni Alexandria, puwede naman ka­ming tumira roon sa States. Pero naisip ko rin, ano ang gagawin ko roon? Malalayo pa ang anak ko sa mga pinsan niya at mga friends niya.

“Kaya may arrangement naman kami ni Trevor na kami na lang ng anak namin ang dadalaw sa kanya roon.

“Sa totoo lang, may mga offer na dumarating na nakakapanghinayang na tanggihan. Tulad nitong ‘And Ai, Thank You’, magandang comeback ko ito ulit sa mo­vies.

“Marami naman paraan para magkita at mag-usap kami everyday. May Skype naman, may Facebook. Maraming paraan na para ‘di namin ma-miss ang isa’t isa at makausap niya ang anak namin,” ngiti pa ni Rufa Mae.

Hindi naman daw nangangamba si Rufa Mae na baka mambabae ang mister niya sa ibang bansa.

“Kahit na long distance love affair kami, I trust him. Tried and tested na ang relasyon namin kaya wala akong worries. Ako lang daw ang nag-iisa at wala nang iba!” sabay tawa pa ni Rufa Mae. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy