Una sa Balita

Rudzma Solina Abubakar palaban, sanay sa bugbugan!

0 289

Q&A
Abante: Kumusta na po kayo?
Rudzma: Okay ­naman po.

Abante: Napakaraming sports, bakit po sa muay thai ka nalinya?

Rudzma: Short history, in-invite/in-introduce lang po sa akin ng isang friend, then sinali po ako sa mga tourneys (local-nationals), and I didn’t expect na magiging part ako ng National Team.

In-embrace ko na po ang muay thai dahil ito ang unang sports na sinubukan ko at mga tao sa circle ay napaka-hospitable. Leaders, officials and coaches, they are so supportive. At first or maybe up to this time, my mom ­really want me to stop from doing this.

But I am trying to let her understand and gradually she accepts it. I realized that muay (thai) fits me, it helps me in terms of financial, schooling and self discipline. Being a student athlete at first I found it hard, because I’m a fighter and I’m trying to balance my time. Yes, indeed, the hardest part of being on a National Team is to be far away from your old friends, your place and family, but that’s life. Everybody is experiencing it.
Abante: Ano po ba ang ­pangarap mo?

Rudzma: Number 1 is to finish my studies, take an exam and get a license for me to use it in the future. To have a ­successful and healthy life, I know I can achieve this because being part of the National Team will let you learn how to push yourself and laugh to any challenges that comes to you. And of course, bring more medals in the near future.

Abante: Siguradong may mga napanalunan na kayong mga trophy at medal sa mga international at national competition dito sa atin at labas ng bansa. Ano ang pinaka-espesyal sa mga tagumpay n’yo at bakit?

Rudzma: All of my achievements are special, because I gave my sweat and blood, my time and emotions to it. As I’ve said, being far from your family and being a student at the same time athlete, is a big challenge. I do muay thai for my future so every tourney that I will attend is special.

 

“Mag-uuwi ako ng maraming medalya”

ISANG araw na walang pasok sa eskuwelahan, niyaya ng isang kaibigan si Rudzma Solina Abubakar na subukang maglaro ng muay thai.
Ang dating laro lamang para sa isang dalagita, naging pinakamamahal na niyang larangan ng palakasan.
Ipinagmamalaki ng bansa ngayon pagdating sa larangan ng muay thai ang tubong-Zamboanga at 18-taong gulang na si Abubakar.

Unang napamahal sa sports na muay thai si Abubakar nang imbitahan siya ng isang kaibigan na maglaro nito.
Mula noon, nakahiligan na niya ang muay thai na naging daan upang maging bahagi siya ng National Team.

Suportado ng kanyang pamilya ang pagpasok sa ganitong klaseng sports pero inamin nito na may pagkakataon daw na hiniling ng kanyang nanay na tumigil na siya sa pagsabak sa muay thai.

Pero kalaunan ay tinanggap din nito ang kanyang gusto.

Naging malaking tulong din ito sa kanya lalo na’t natuturuan siya nito na maging disiplinado at natutulungan siya lalo na sa usaping pinansiyal.

Sumali sa iba’t ibang klase ng torneo ang batang si Abubakar mula nang yakapin nito ang sports at ilang beses na rin ito nakapagdala ng kara­ngalan sa bansa.

Ilang medalya rin ang iniuwi nito mula nang sumalang sa mga international tourney na talaga namang nagpaangat at nagpahanga hindi lang sa buong bansa kundi maging sa buong mundo.