Una sa Balita

Ruby pumalag sa balitang patay na ang kapatid niyang doktor

0 1,150

Ipinagdiinan ni Ruby Rodriguez na lumalaban pa para sa kanyang buhay ang kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian sa kasalukuyan.

Sa kanyang Facebook post ay naglabas ng sama ng loob si Ruby dahil sa fake news na kumalat tungkol sa kanyang kapatid.

Nakakatanggap daw ng mga balita at text messages si Ruby na kinu-condolence na siya nga mga ito dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid.

“I have been quiet all this time about Dr. Sally Gatchalian status. Yes she is my sister. Yes she is confined. Yes we are all praying and scared. But when fake news spreads and people testing me Condolences…” bungad na sabi ni Ruby.

Sa halip na pakikiramay ay nanawagan si Ruby ng dasal para sa kanyang sister.

“I ask please she is fighting! She is weak but stable. Please that is what she needs. Your Prayers Not people spreading this kind of news.”

Disappointed si Ruby sa mga kapwa at kasamahan ng kanyang kapatid sa medical dahil ang mga ito raw ang nagkalat ng balitang patay na ito.

“It hurts so much to know that news comes from DRs. Pa! Please we ask everyone Pray with us.”

***

Mga TV, print cameramen dapat ding palakpakan

Hindi lang mga medical frontliners, police authorities at military ang dapat pasalamatan at saluduhan. Dapat din purihin ang mga news reporter, lalo na ang mga camera man, na nasa frontline rin para maghatid ng update news sa sambayanan.

‘Yan ang laman tweet ni Tina Panganiban Perez, na news anchor ng GMA 7. Marahil ang hindi man lamang pagbanggit sa mga kasamahan sa news reporting na ngayo’y nasa kalye habang nasa gitna ng bantang infection mula sa COVID19, naglabas ng kanyang hinaing ang mahusay na broadcast journalist.

“Hindi nyo sila napapanood sa TV pero patas lang po ang hinaharap naming hirap at panganib.

Si Tina na ang humingi ng palakpak para sa kanyang mga kasamahan TV media.

“Ilan lang silang cameramen at assistant cameramen na nakakasama ko sa field…Palakpak naman po sa kanila.#Kapuso #SerbisyongTotoo.”

Hindi lang mga TV media ang dapat papurihan at saluduhan, kundi maging ang nasa print na nasa labas para kumuha ng mga footages, larawan, updates sa mga kaganapan ngayon. Sa init at pagod, nasa delikadong kalagayan rin ang kanilang kalusugan.

***

Matteo, Sarah nagpakilig sa Facebook live

Nag-live si Matteo Guidecilli sa Facebook para makipag-usap sa kanyang mga fan at malaman ang sentimyento at mga kaganapan sa buhay ng mga ito sa panahon ng lockdown.

Isa rin itong paraan ni Matteo para makalikom ng donasyon na gagamitin ng One Voice Philippines para sa mga apektado ng lockdown at community quarantine.

Hinikayat ni Matteo ang lahat na makipagtsikahan sa kanya at mag-donate sa live post nya. Kanya-kanyang programa ang mga celebrity kung paano makakatulong para matugunan ang pangangailangan ng maraming kapus-palad at nasa bingit ng panganib ngayong pandemic.

Kinikilig ang mga fan ni Matteo sa paglabas ng misis nitong si Sarah sa live chat niya. Sinabi kasi ng Kapamilya actor na may mga guest siya na makikipagtsikahan din sa mga nakatutok sa kanyang live feed.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More