Una sa Balita

Rubio, Gasol kampeon sa World Cup

0 305

PAGHUPA ng usok sa dalawang linggong giyera, World Cup champion na naman ang Spain, dinomina ang Argentina 95-75 sa final Linggo nang gabi sa Beijing.

Umiskor ng 20 si tournament MVP Ricky Rubio, nagdagdag si Sergio Llull ng 15, at hinablot ng Spaniards ang pangalawang tropeo sa FIBA World Cup pagkatapos noong 2006.

Nagsumite ng 14 points si Marc Gasol.

Inumpisahan ng Spaniards ang laro sa 14-2 run at hindi na nakaporma ang Argentines. Nagkasa pa muli ang Spain ng 17-1 run bago natapos ang first half at abante 43-31 sa break.

Dominado rin ng Spain ang rebounds 47-27.

“We weren’t the most talented team,” ani Rubio. “We weren’t the bigger team. Put anything you want, but we were the team with the biggest heart and we showed it tonight and we showed it during the whole tournament.”

Kasama ni Rubio sa all-tournament team sina Gasol, Luis Scola ng Argentina, Evan Fournier ng France at Bogdan Bogdanovic ng Serbia.

Nagsumite si Gasol ng 14 points.

Parehong nag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics ang Spain at Argentina.

Nanood ng laro sina Chinese basketball legend Yao Ming, NBA commissioner Adam Silver, deputy niyang si Mark Tatum, FIBA ambassador Kobe Bryant, at sina Tony Parker at Manu Ginobili – parehong four-time NBA champions sa San Antonio Spurs. Pareho ring alamat sa kani-kanilang national teams ang dalawa – si Parker sa France, si Ginobili sa Argentina. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy