Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

RT-PCR test exemption sa mga bakunadong turista sinulong

0 109

Iminungkahi ng sektor ng negosyo na pagaanin ang mga pagbabawal sa mga lokal na manlalakbay na bibisita sa mga pangunahing tourist destinations sa bansa.

Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, sa Bakuna Townhall ng Go Negosyo ang pribadong sektor ay nakikipag ugnayan na sa local government units (LGUs) sa Aklan, Bohol, Cebu, Palawan, Siargao, at sa mga top tourist destinations na huwag nang isali ang mga ganap na nabakunahan na mga manlalakbay mula sa pagpapakita ng resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) pagdating.

Ang Cebu province, maliban sa Cebu City, ay hindi na kailangang magpakita ng RT-PCR tests simula ngayong buwan.

Sinabi ni Concepcion na ito hinihingi ng airline companies.

Idinagdag pa ni Concepcion na ang pribadong sektor ang nakatanggap ng positibong pagtugon mula sa mga gobernador at mayor.

Inoobliga ng IATF ang mga lokal na manlalakbay na magpakita ng negatibong RT-PCR test results pagdating sa kanilang destinasyon mahalaga mang biyahe o paglilibang.

Ngunit, ilang LGUs ang nagpagaan na ng mga pagbabawal upang makahikayat ng mas maraming manlalakbay at buhayin ang kanilang lokal na turiamo. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.