Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

RT-CPR machine donasyon ng ACT-CIS sa Benguet

0 158

Todo ang suporta ng ACT-CIS sa pangangailangan ng Benguet para labanan ang COVID.

Kaya matapos mag-donate ng high flow oxygen sa Benguet General Hospital nakaraang lingo ay muling nag-turn over si Benguet Congressman Eric Yap, na siya ring kinatawan ng ACT-CIS Party-list, ng isa pang RT-PCR machine upang matugunan ang agarang pangangailangan ng pagamutan at masolusyunan ang kanilang backlogs sa COVID-19 testing.

Nabatid na ito na ang ikatlong machine na ipinagkaloob ng mambabatas simula nang mag-umpisa ang pandemya ng COVID-19 sa bansa noong nakaraang taon.

Una na siyang nagkaloob ng RT-PCR machine sa Baguio General Hospital dahil ang Molecular Laboratory sa Benguet ay isinasailalim pa sa konstruksiyon ng panahong iyon.

Ang ikalawang makina naman ay inilagay sa bagong tayong laboratoryo sa lalawigan, kasama ang isang Automated Extractor.

Ayon kay Yap, nagpapatupad sila ngayon ng agresibong testing upang mapalakas pa ang effort ng lalawigan na masugpo ang COVID-19.

Dagdag pa niya, hindi lamang ang Benguet ang magbebenepisyo rito kundi maging ang kanilang mga kalapit na lalawigan sa Northern Luzon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.