Una sa Balita

RSA kinilala ng PSA

By
0 1,183

SA walang sawang pagbuhos ng suporta sa Philippine sports, iginawad kamakailan kay San Miguel Corporation president/chief opera­ting officer Ramon S. Ang ang Executive of the Year award sa PSA Annual Awards Night sa Manila Hotel.

Tatlo sa pinakapopular na teams sa PBA ay kay RSA – San Miguel Beer, Ginebra at Magnolia Pambansang Manok.

Inayudahan din niya ang women’s volleyball sa pamamagitan ng pagsabak ng kanyang Petron Blaze Spikers sa Philippine Superliga.

Siyempre pa, all-out ang suporta ni RSA sa anak na si Jacob na nagdodomina sa karting scene dito sa bansa at sa abroad.

Kaunti lang ang nakakaalam, pero naging pad­rino si RSA sa training ni skater Michael Martinez na sumabak kamakailan sa Winter Olympics sa PyeongChang, South Korea.

Noong 2005, mala­king papel ang ginampanan ni RSA sa pagsikwat ng Philippine team ng overall championship sa Manila Southeast Asian Games. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy