Una sa Balita

RS Francisco pamintang walang anghang

By
0 520

Naloka si RS Francisco sa mga question na ibinabato sa kanya ng mga kasamahan sa panulat tungkol sa kanyang lovelife at past relationship. Ipinipilit ng mga ito na sa estadong kinalalagyan ni RS ay parang picking apples ang kanyang pakikipagrelasyon sa mga lalaki.

Pero kabaligtaran ang nasa isip nila kay M Butterfly. Mas focus daw siya sa trabaho ngayon after the hardwork or hirap na pinagdaanan niya. Sabi nga niya siya raw ang Pamintang Walang Anghang. Talbog.

Bonggang-bongga ang ginawa niyang paghahanda sa nalalapit na palabas ng M Butterfly. Halos hindi na yata ‘yan natutulog kasama ang mga staff niya.

Ang maganda kay RS ay hindi para kumita ang ginagawa niya kungdi para makatulong sa maraming Charita Bel organizations kung saan mapupunta ang kikitain nito. At gusto rin niya na matupad ang mga panagarap niya bilang aktor.

Sa Sept.13 sa Maybank Performing Arts sa BGC magsisimula ang staged lay na M Butterfly hanggang Sept. 30. (Joe Barrameda)