Una sa Balita

Roxas: Pautang sa magsasaka ‘wag patungan ng interes

0 214

NANINDIGAN si dating Senador Mar Roxas na hindi dapat pinapatungan ng interes ang pautang sa mga magsasaka.

“Para sa akin simpleng-simple, magmula sa national government paparaanin sa local government units, pautangin natin kahit walang interes. Ang gobyerno naman ay hindi na dapat kumikita, hindi naman sila pribado na dapat may kita,” giit ni Roxas.

“Ang gobyerno puwedeng magpautang ng walang interes para maitawid ng ating mga magsasaka itong tagtuyot na ito,” dagdag pa ng dating kalihim ng Department of Trade and Industry.

Ayon pa sa senatorial candidate, hindi makakapagtanim ang mga magsasaka kapag panahon ng tag-init kaya’t tatlo hanggang anim na buwan silang maghihintay na dumating ang panahon ng tag-ulan.

“So anong kakanin? Anong panggastos, sa gamot at sa iba pang pangangailangan. So para sa akin, maganda na ang gobyerno gawin silang automatic 4Ps members para may kaunting tulong na pambili ng pagkain.
Pangalawa, pautangin sila na walang interes nang sa gano’n ay maitawid nila itong anim na buwan na tagtuyot na ito,” paliwanag pa ni Roxas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy