Una sa Balita

Roxas humirit ng extension sa SOCE

By ,
0 0

Humingi ng 14 araw na extension si dating Interior Sec. Mar Roxas para ihain sa Commission on Elections (Comelec) ang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).

Isinasaad sa batas ang pagsusumite ng tinanggap na kontribusyon at gastos sa eleksyon ng lahat ng tumakbo sa halalan isang buwan matapos ang May 9 elections subalit hindi nakapagsumite si Roxas sa deadline nitong Miyerkules.

Paliwanag ng spokesperson ni Roxas na si Rep. Barry Gutierrez, marami pang resibo ang kailangan ipa-scan bago isumite bilang attachment ng SOCE.

“A request for extension was sent to Comelec today, asking for an additional 14 days within which to complete the filing for Mar Roxas and the Liberal Party. The primary reason is the voluminous number of receipts that have to be scanned and attached to the document, in compliance with the rules and in the interest of complete transparency,” ani Gutier­rez.

Mula naman sa Come­lec, sinabi ni Chairman Andres Bautista na bubusisiin nila nang husto at beberipikahin ang mga isinumiteng SOCE ng mga kandidato kasunod ng pagtatapos ng deadline of submission kamakalawa.

Muli ring ibinabala ng opisyal na hindi makakaupo sa puwesto ang mga nanalong kandidato na bigong magsumite ng SOCE.