Una sa Balita

Roxas Bypass Road Project itatayo sa Isabela

0 1,309

SISIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng Roxas Bypass Road Project sa Lalawigan ng Isabela bago matapos ang quarter na ito.

Ayon kay DPWH Region 2 Director Melanio Briosos ang proyekto ay isang 4.95-kilometrong alternatibong kalsada ng Santiago-Tugeu-garao Road, simula Barangay San Antonio sa Barangay Nuesa at papuntang Barangay San Rafael, Facoma, at Bantug.

“For Phase 1, a total of P50 million was allocated for the opening and concreting of the 1.52-kilometer section of Roxas Bypass Road Project, with components of drainage, slope protection, and right-of-way acquisition. We aim to start this before the end of first quarter this year,” wika ni Briosos.

Aniya ang road diversion na ipapatupad mula 2018 hanggang 2020 ay magkakaha- laga ng P193.5 milyon, na sumasaklaw sa P50 milyon bawat Phase 1 at Phase 2, at P93 mil-yon para sa ikatlo at huling yugto. (Mina Aquino)