Una sa Balita

Roxas Boulevard isinara sa Rizal Day

0 386

Magpapatupad ng road closure­ sa ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila para sa paggunita ng ika-122 anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal ngayong Linggo.

Base sa advisory ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), kabilang sa hindi muna padadaanan sa mga motorista mula alas-siyete nang umaga, ay ang northbound at southbound lanes mula sa Katigbak Drive hanggang TM Kalaw Street.

Habang ang ilang bahagi naman ng Katigbak Drive, Independence Road, at South Drive ay bubuksan din sa vehi­cular traffic kung kakaila­nganin.
Samantala, magpapatupad rin ng traffic rerouting scheme ang MDTEU para maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Nalaman na mga sasakyang bumibiyahe pa-norte ay dapat na kumanan sa TM Kalaw Street, kaliwa sa Ma. Orosa Street, patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga light vehicles naman na pa-southbound, mula sa Delpan Bridge-Pier Zone ay maaaring kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa St., patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga trailer trucks naman o iba pang heavy vehicles mula sa Delpan Bridge-Pier Zone ay dapat na kumaliwa sa P. Burgos, diretso sa Finance Road-Ayala Boulevard, kanan sa San Marcelino St., hanggang sa kanilang patutunguhan.

Nabatid na ang mga sasak­yan naman na mula sa mga tulay ng McArthur, Jones, at Quezon bridge, ay nagnanais na magtungo sa southbound lane ng Roxas Boulevard mula P. Burgos St., ay maaaring dumaan sa Round Table, patungo sa Ma. Orosa o ‘di kaya ay sa Taft Avenue hanggang sa kanilang point of destination. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy