Una sa Balita

Roxas: Automatic visa sa mga Chinese suspendihin

0 323

HINILING ni dating Senador Mar Roxas sa gobyerno na suspindihin na ang automatic visa sa mga Chinese dahil naaagawan na ng trabaho ang mga Pilipino.

“Para sa akin, ‘yang automatic visa granting, itigil na ‘yan dahil inaagawa ng mga dayuhang Chinese ang mga trabaho dito sa Pilipinas. Hirap na nga ang mga Pilipino na makahanap ng trabaho. Hirap na tayo na lumikha ng trabaho para sa mga Pilipino. Tapos bigla na lang papapasukin?” diin ni Roxas sa isang ambush interview sa Catarman, Northern Samar kahapon.

Ayon pa sa senatorial candidate, halos lahat naman ng ibinigay na trabaho sa mga Chinese ay ka­yang gawin ng mga Pinoy kaya’t hindi makatuwiran na bigyan ng importansiya ang mga dayuhang ito.

“Anong espesyal na kakayahan ng mga Chinese na hindi naman kaya ng mga Pilipino ‘pag dating sa construction, sa pagkakarpintero, pagiging mason?” saad ni Roxas.

Binanggit pa ni Roxas na binabantayan dapat ng gobyerno ang bilang ng mga Chinese na pumasok at nagtatrabaho sa bansa upang maberipika kung nagbabayad sila ng buwis sa gobyerno.

Bilangin natin ilan na ba silang nakapasok dito? Saan sila nagtratrabaho? Nagbabayad ba sila ng tamang buwis tulad ng mga Pilipino? Dapat monitored talaga,” giit pa niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy