Una sa Balita

Roxanne talbog sa ganda, kaseksihan ng bagong dyowa ni Will

By
0 1,697

Kung si Roxanne Barcelo nga ay naka-focus ­ngayon sa kanyang career at tila isinantabi muna ang lovelife, ang kanya namang ex-dyowang si Will Devaughn ay nakahanap na ng bagong minamahal.

 

Isang international emcee, web at TV ­presenter ang bagong dyowa ngayon ng actor-host na ­super ­ganda at tipong super vibes ang dalawa sa kanilang mga hilig sa buhay.

 

Ang pangalan ng GF ni Will ay si Cay Kuijpers kung saan nitong holiday season ay magkasama silang in-explore ang Atlas Mountains, North Africa, Morocco and the Arab World. O, devah? Kakaiba rin ang celebration nila, noh!

 

Noon pa man ay kilala na si Will sa hilig ­nitong mag-travel at mag-explore sa kung saan-saan, locally man o internationally.

 

Kaya nga, ang bagay talaga sa kanyang dyowa ay ‘yung kayang sabayan ang hilig niyang ito o ‘yung maiintindihan nang husto na ang nature ang pinakamahigpit niyang karibal sa pag-ibig kay Will.

 

Ayon nga sa kanya, just living the life to the fullest hanggang kaya pa niya.

 

Tama naman lalo na’t hindi rin naman ganu’n siya ka-active sa kanyang showbiz career.

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy