ROXANNE BARCELO, NILAIT-LAIT NG STARLET NA MAAMO ANG MUKHA!


Si Roxanne Barcelo ang program host nang pormal na ipakilala si Yassi Pressman bilang kauna-unahang Pilipinang celebrity endorser ng Nivea deodorant.

Bukod sa pinag-uusapan na role niya sa Wild Flower ng ABS-CBN, in demand events host si Roxanne dahil competent emcee siya.

Gaya ng ibang mga artista, napagdaanan ni Roxanne na apihin ng kapwa celebrity pero classic ang kanyang karanasan dahil baguhan ang nanlait sa acting talent niya.

“Alam mo, hindi ka magaling na artista,” ang walang pakundangan na sabi kay Roxanne ng aktres na starlet ang kategor­ya sa showbiz.

Walang maisip na dahilan si Roxanne para  pagsalitaan siya nang masakit ng aktres na nagmaliit sa kakayahan niya sa pag-arte. Imbes na gumanti, pinili ni Roxanne na manahimik at pairalin ang pagiging mabuting Kristiyano.

Nagkikita pa rin sila ng starlet sa mga showbiz event pero hindi nila pinapansin ang isa’t isa.

Maamo ang mukha at hindi makabasag-pinggan ang image ng starlet pero sa tunay na buhay, inggitera siya at mapanlait ng kapwa kaya mailap sa kanya ang suwerte.

Yassi, araw-araw kumakayod!

Flattered and honored si Yassi Pressman dahil siya ang napili ng Nivea bilang celebrity endorser ng whitening deodorant. Nagsimula si Yassi bilang commercial model bago siya pumasok sa showbiz.

Hindi na mabilang ni Yassi ang mga television commercial na ginawa niya, pati ang kanyang mga product endorsement mula nang pumirma siya ng kontrata bilang talent ng Viva Artists Agency.


I believe in love.. in all kinds of love. || Writing something for you all. Passion Project. 🔜

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Sa tantiya ni Yassi, pang-17th product endorsement niya ang Nivea at big deal ito sa kanya dahil gumagamit siya ng Nivea products, kahit hindi pa sila nagkakaroon ng business deal.

Araw ng Linggo nang pormal na ipakilala si Yassi na endorser ng Nivea deodorant dahil ‘yon lang ang libreng araw niya.

Fully booked ang schedule ni Yassi mula Lunes hanggang Sabado dahil sa tapings niya para sa Ang Probinsyano at shooting para sa Pambansang Third Wheel, ang feel good movie nila ni Sam Milby sa Viva Films.

Sa kabila ng kanyang hectic schedule, hindi nagrereklamo si Yassi dahil bukod sa breadwinner ng pamilya, matagal niyang hinintay ang pinakaaasam na showbiz stardom.

SHARE